Chapter 3.4

390K 6.6K 707
                                    

Sa wakas nakarating na din kami sa ikalawa naming destinasyon. Sa isang park ko siya dinala. Ito yung park kung saan unang nagkakilala ang mga magulang ko. Lingid sa kaalaman ng marami, ang park na ito ay sumisimbolo sa 'happiness'.

Wala pa ding gaanong nakakaalam ng lugar na ito kasi medyo may kalibliban pa at malayo ito sa magulo at busy na syudad.

Tahimik, payapa at kakaiba ang simoy ng hangin dito.

Napakalinis pa at walang noise pollution.

Napakalawak at maraming puno sa paligid.

Marami ring bulaklak na may iba't-ibang kulay at anyo. Pwede ngang tawaging paraiso ang park na ito.

Merong bridge din sa gitna ng man made river.

Hindi din purong patag ang park na ito, may part kasing elevated na pwede mong matanaw ang buong syudad.

"Lesson number five, inhale the good vibes." then I inhaled

"HAAAA! And exhale the bad vibes."

He covered his nose.

"Exhale? Even the bad breath?"

I became conscious. Mabaho ba hininga ko?

"Relax I was just joking."

I showed him a poker face. Dapat di ko nalang siya nilesson-an about joking and accepting jokes because I swear ang hirap hindi mapikon sa joke niya sa ubod ng kacornihan. Hindi ko nalang siya pinansin.

Nilatag ko yung telang galing sa bag ko na sinadya kong bitbitin. Aba girl scout ata ako.

"Dito mo ilagay ang mga pagkain."

Gaya ng inutos ko nilagay niya nga ang mga pagkain sa ibabaw ng tela. Aba, si mister perfect sumusunod kay miss rule breaker. I'm soooo loving it.

"This place is really good." he commented

"Aba syempre ito ata ang lugar kung saan nagkakilala ang mga magulang ko. Mga bata pa sila nun tapos nagkita nalang sila ulit nung tumanda na sila, mga ganitong edad gaya sa atin. Magulo din ang lovelife ng mga yun eh pero kita mo naman nagkatuluyan sila at sinuwerte nung ako pa ang maging anak nila."

"I can't believe that you're too conceited."

Napanguso nalang ako sa sinabi niya.

Humiga siya sa damuhan tsaka nilagay ang dalawang kamay sa may ulo niya. Yung para bang yung dalawang palad niya ay nakalock sa isa't-isa tapos nagfoform ng triangle yung kabilaan niyang kamay.

"Can I ask you for a favor?"

I wasn't so sure kung ano ba ang hihingiin niya pero matatanggihan ko ba siya? Hindi naman eh. He is so irresistable.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon