Chapter 8.6

310K 4.5K 971
                                    

Gusto niyong may karibal si Mico? Sure. You'll get it pero hindi sa CLICHÉ na character at paraang gusto niyo. We'll do it in my OWN Awesome way mwahahahah.

------------------------------

Nakakainis. Ako nalang ang palaging nagseselos. Sa dami ba naman kasi ng babaeng umaaligid kay Mico au talaga nga namang hindi maiiwasan ang salitang selos na yan.

Sana may pagselosan din siya para maramdaman niya itong nararamdaman ko.

Pero tsaka na yan dahil hindi pa ako nakakauwi. Paano ba naman ang hirap sumakay.

Naman oh. Talagang wala pang taxi na dumadaan dito. Masyado na rin kasing gabi at marami rin talagang pumapara kaya mahirap talagang makahanap ng walang sakay na taxi.

Bakit kasi nag-inarte pa ako? Tawagan ko na kaya si Mico para magpasundo?

Hindi. No way. Papanindigan ko itong pagtatampo ko.

Naglakad ako sa abangan ng jeep. Mahaba ang pila pero no choice. Tiis tiis lang talaga. Kung walang tiyaga, walang nilaga. 


Makalipas ang siyam na taon, sa wakas makakasakay na rin ako. Okay exagge masyado ang siyam na taon, mga magtatatlong oras PALANG naman.

Napaupo ako sa bandang unahan nakng naman kasi itong mga unang sumakay nagsiksikan pa sa dulo. Dapat umurong nalang sila, walang mga konsiderasyon hmp.

Naku ha. Wag ako, wag ako, may LQ kami ng boyfriend ko.

"Oh tatlo pa! Tatlo pa."

Parang t*nga lang 'tong konduktor. Eh wala na ngang space tatlo pa ang tinatawag niya? Ano yun kalong kalong kami ganun?

"Oh iha paki-ayos lang ang upo may sasakay pa" sabi nitong konduktor sa akin.

Pwede ba. Paano ba ang tamang pag-upo, yung nakatuwad? O yung kalahati lang ng pwet ang nakaupo para kumasya yung tatlo niya pang tinawag. Leche.

Umalis na ang jeep at nagsimula ng magsibayadan ang mga pasahero at dahil dakila ako at ako ang nasa unahan nakapwesto eto ako, taga-abot ng bayad.

"Bayad ho. Paki-abot naman." Para namang may magagawa pa ako.

Kaya ayan, parang nag-o-OJT ako bilang taga-abot ng bayad. Isama mo na rin yung tagasukli.


"Manong para."

"Manong para!" Bingi nito. Lumampas pa tuloy ako. Bw*sit na araw talaga. 

Lumakad na ako papuntang kanto ng subdivision namin. Medyo mahaba haba pa kasi yung lalakarin palibhasa dungol ang driver ng jeep. Ang tagal niya pa bago huminto.

Kada hakbang ko ng paa ko ay may naririnig din akong yapak mula sa likod ko. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kaya paglingon ko...

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon