Chapter 9.4

298K 4.9K 330
                                    

Accidentally nabura po yung Chapter 9.4 so ito po yung bago.
Hindi sila exactly the same pero halos parehas pa rin.

(P.S. Sana kahit papano ivote niyo pa rin siya. Pero syempre depende na sa inyo yan :))


--------------

"Tatlo"

"Mico..." hinawakan ko ang braso niya para pigilan ang paghabol niya kay Reynaldo. Kahit na weirdo yung jejemon na yun ayoko pa namang mawakasan ang buhay niya. 

"Hayaan mo na siya. 'Wag mo nga masyadong tinatakot. Mamaya ma freaked out yan ng bongga."

"He's psychotic, verbally weird and physically scarier. What more? He's just so f*cked." he complained.

Tumingala siya at pinisil ang ilong niya na para sobrang nakakastress ang presensya ni Rey. 

Ngayon naka side view siya sa akin. Peste, ilong palang nakakakilig na. 

"He's still funny though." I commented.

Napatingin siya sa akin na nagtataka.

"Anong nakakatuwa sa kanya? Look, he typed and spelled words like he has his own dictionary. Masakit sa ulo. Paalon-alon. Yung capital letters niya nasa gitna. Like what the heck? If it's a design then it's freaking irritating just like his presence. His laugh, it's so annoying. What was that? Ajejeje."

Pinipigilan ko ang tawa ko. Bakit pag si Mico ang nag 'Ajejeje' cute tingnan. Nakaka inlove. Kapag si Reynaldo, well, sabihin nalang nating nakakatawa. 

"Why are you laughing?"

"Not yet. Pinipigilan ko pa. Natatawa palang. Hahahaha." and I burst out. "Bagay pala sa'yo ang tawang ajejejeje. You should try to do it frequently." again, I burst out. 

Maloko nga at titingnan ko kung anong magiging reaction niya.

"Mico, side view ka nga ulit."

"Bakit?"

"Basta."

Kumunot ang noo niya pero sinunod niya pa rin ako.

"Ngayon harap ka na." humarap naman siya.

"Magkahawig pala kayo ni Reynaldo. Para kayong pinagbiyak na inidoro. Hahahaha." 

"Are you kidding me?"

"No. Hindi. Hahahaha. Magkamukha talaga kayo. So, Mico, umamin ka. Are you and Reynaldo br---"

"F*ck it off. We're not brothers! We're not blood related. That's not funny Kane. Stop it." 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon