Chapter 2.4

427K 7.4K 2.6K
                                    

Naku! Naku! Nakakainis ka talaga Mico! Hindi ko naman balak pang umamin tapos papaaminin mo ako? Ang lakas naman ng kumpiyansa mo sa sarili mo! 

Pagulong gulong ako sa kama ko habang inis na inis na pinapadyak ang paa ko. 

Akala niya ang gwapo gwapo niya?! Oo nga gwapo nga siya. 

Akala niya hahayaan ko lang siyang pagmukhain akong t*nga sa harap niya habang pinapaamin ako para sa feelings ko? 

Hindi ako umamin para sa wala lang.  Itaga mo sa flat chest ko, magugustuhan mo din ako Mico bwahahhahaha! Ahy, baka magkabreast cance ako, sh*t erase erase that's not much of a good idea. Itaga nalang sa muscles niya. Basta, hahabul habulin niya din ako yung tipong ako lang ang babae sa paningin niya at the rest bakla nalang muahahha. 

Ahhhhh! Hindi ko alam na ganito pala makabaliw ang pag-amin sa isang tao tungkol sa feelings mo. 

Pero anong mukha ang mahaharap ko sa kanya bukas? Eh yun nga lang na malaman ng crush mo na crush mo siya sa ibang tao eh halos ibaon mo na ang ulo mo sa lupa gaya ng ostrich eh ito pa kayang harap harapan kang pinaamin? Fu~~~~ talaga. Ibang klase. 

Kalma Kane, kalma. Hindi ka apektado, hindi. 

Tss. Walang kwenta na din naman itong iniisip ko, paulit ulit nalang. Mico, mico. Feelings, feelings, T*nga, t*nga. Nakakasawa, nakakaasiwa. 

Natigil ako sa pagmumuni ko ng nagvibrate ang cellphone ko. Unregistered number. Sino naman kaya ito?

Sender: 0915*******

Don't think that much of me. I can't sleep. -Mico

I save the number and  replied.

To: Mico  <3 

G@GO!

Oh wag na tumutol kung bakit may heart yan. Kahit g@go yan, first crush at first like ko yan. 

*BZZZT*

Sender: Mico <3

Are you cussing me? Don't use that language when you're talking to me. 


To: Mico <3

Then pwede kong gamitin. We're not talking, we're texting. 

Oo na nag-expect pa ako ng reply niya pero wala na, time out na. Kumbaga sa facebook seenzoned ako. Walang reply. Okay lang yan nauna naman siya magtext, bawi bawi lang. Baka nakatulog na siya. Pero grabe naman tinutulugan lang ba talaga ako?

My crush/the person I like doesn't see my worth tapos I think I have wronged sa taong nagustuhan kasi he is sooo bipolar and hirap sabayan ng mood swings niya. Pusang gala naman kasi oh. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon