Chapter 9

311K 4.8K 836
                                    

She's Rich, He's Richer : Chapter 9

~The rich. The richer. The bitch(?) And the jejemon!...

******

Nag-imbita si Shane na bisitahin ang bagong tayo nilang resort sa Laguna. Actually, si Mico lang ang inimbita niya. But then Mico insisted na sumama raw ako. Syempre naman ay hindi ako tatanggi. Delikado, baka malinta ang boyfriend ko. 

Naisip ko na hindi pwedeng kaming tatlo lang kaya nirequest ko na baka pwedeng magsama ng isa pang kaibigan. Para malay mo may taga-awat kung sakaling magkagulo kami. 

Pumayag naman si Shane so I asken Karen pero tumanggi siya. May mga gagawin pa raw siya sa bahay nila. Si Cassandra naman ay busy sa paggawa ng research papers nila dahil deadline na raw. 

Maliban sa dalawa sino pa ba ang kaibigan ko? Edi si Reynaldo nalang, yun ang naisip ko. 

"What? You plan to bring him with us? Iba nalang." 

"Mico. Napag-usapan na natin ito diba? Pumayag nga ako na samahan natin si Shane eh. Dali na. Please." 

"How can I resist you? Sht. Oo na nga."

"Yehey. Sige na may klase na ako." 

Saturday came. Nasabihan ko na si Reynaldo at excited na excited daw siya. Kesyo first time niya raw makapunta sa isang resort at kung anu-ano pa. 

Una akong sinundo ni Mico. Syempre ako na ang nasa shotgun seat. Pagdating namin sa kanto ng subdivision nandun na si Reynaldo nag-aantay. Dala dala niya ang bag niya at naka shades pa na rayban. Sosyal. Pero ang jologs pa rin kasi Violet ang kulay nito sa gilid. Pero wala akong magagawa, fashion taste niya yan. 

Nakasando siyang puti. Aba may muscle din pala ang isang 'to. Parehas silang naka board shorts ni Mico. Ang top naman ni Mico ay black V-neck shirt. Hotness overload. 

Anyway. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan. Mukhang hindi niya kasi alam na kami na ito. 

"Reynaldo pasok ka na."

"Kayo na pala yan Kaney. Wow big time. Ganda ng sasakyan."

"Hindi ka ba papasok?" masungit na tanong ni Mico. 

"Syempre papasok. Hindi naman ako pwedeng sumabit nalang dito sa labas. Baka mahuli tayo ng MMDA. Ajejejeje." 

Nagpoker face lang si Mico at hindi na sinagot pa si Reynaldo. 

"Ayos lang ba kung magpatugtog ako ng music dito sa cellphone ko?" tanong ni Reynaldo.

"Ayos naman. Sige lang."

Now Playing: Dota o Ako

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon