Chapter 10.6

277K 4.1K 166
                                    


I went home. What's the use of staying at school if I would just gonna hurt myself? So bad. 

Pagod na ako. Masyadong kulang ang isang araw para isipin ko ang lahat ng ito.

Besides hapon na rin naman. I need sleep. I am just too tired and... truly hurt.

Sleep could be the only thing to do for me to escape this reality.

Hours passed, I heard a knock that brought me to reality again.

My eyes were still tired. Hirap akong imulat ang mga ito. I looked at the mirror and there all I see was a horrible face.

A face of a broken girl.

I smiled pero parang hindi bagay sa sitwasyon. Parang mas bumibigat kung pipilitin ko pa.

Inayos ko ang sarili ko at nagmadaling buksan ang pinto. Tumambad ang busangot na mukha ni Christine sa harap ko.

Sa pagkakaalam ko broken hearted ata ang kapatid ko. Masyado atang naging playboy si dad nung kabataan niya kaya eto bumalik sa amin. Haaaay.

"Ate, may bisita ka. Si ate Karen at may kasama siya, driver niya ata. Pinapasok ko na rin. Nandun sila sa sala. Sige ate ah, babalik na ako sa kwarto ko."

"Driver?" I mean, hindi mayaman ang pamilya ni Karen kaya there's no way na magkaka personal driver siya unless nanalo sila sa lotto.

"Ata. Sige na ate. Just deal with them."

Tumango ako at umalis na siya.

Malayo palang ay natanaw ko na si Karen. May kasama nga siya. Naka red and black na checkered na polo.

Bumaba ako ng hagdan at nilapitan sila. Only to find out, si Reynaldo pala yung lalaki.

"Are.. err-you guys dating?"

"Kabahan ka nga Kane. Jusko. Hindi pa ako naeengkanto 'no."

"Oy ha! Nandito lang ako sa tabi mo, makasalita naman."

"Shut up Reynaldo."

"Karen pakipot pa oh! You can call me bebe boy naman. And Ima call you bebe girl" then Reynaldo winked at Karen.

I saw how disgusted her face was.

"Bakit nga pala kayo nandito?"

"Hinahanap kita wala ka kasi sa school. I asked Rey kung alam niya kung masaan ka. Nagkita kasi kami. Rumoronda ata at naghahanap ng mahoholdap sa school."

"Oy ha. Sumosobra ka na. Chix hanap ko 'no."

Tiningnan niya lang si Reynaldo at nag roll eyes tsaka kinwento ang susunod na nangyari.

"So rapist ka na ngayon? Anyway. Ayun nga tapos by chance, nakita ko si Cassandra, tinanong ko kung nasaan ka. Sabi niya umuwi ka raw at kailangan mo ako. Eto namang jejemon na ito, sumama."

Kailangan? Siguro nga kailangan ko sila para mabawasan manlang itong sakit na nararamdaman ko.

Para mabawasan itong mga negative thoughts ko.

Ang drama, di ako sanay. Gusto kong itawa pero di kaya.

Ganun ba pag nasasaktan, masyadong sentimental at OA kung malungkot at mag-isip?

"Ano bang nangyari Kane?"

Paano ko ba ieexplain? Parang ang hirap.

"Ahh yun. Wala nag-away lang kami ni Mico."

"Lang? Maka lang ha. Anong pinag-awayan niyo?"

"Selos."

"Ahhh. Understand him. He's just jealous because he cares. He cares because he loves you. Mas nakakaproblema kung wala na siyang pakialam. Ibig sabihin nun hindi ka na niya mahal."

That hit me.

After niyang makita ulit si Kane ngayon, will he still be jealous because of Kier? Will he still care for me? Will he still love me?

Sana.

Pero hindi magtatapos ang lahat sa sana, hindi magtatapos ang lahat sa paano. Hindi magtatapos sa tanong.

Lahat masasagot.

Sana lang nga sapat ang kahandaan ko.

"Oy Kane. Ang lalim na ata ng iniisip mo. May dapat ka bang sabihin sa akin?"

I looked away.

"Hoy jeje boy marunong kang magbake diba?"

"That is my talent. Of course!"

"Punta ka sa kusina nila Kane, dun oh. Kumpleto mga gamit dyan, kung may kulang bumili ka. Wag kang kuripot. Ipagbake mo kami ng masarap na cake. Chocolate cake ha. Para may magawa ka namang matino hindi yung panay GM inaatupag mo dyan."

"Weeeh? Galit ka lang kasi di ka nasama sa GMs ko eh. Sige na, kawawa naman si Kaney baka gutom eh. Ajeje."

Dumiretso na siya sa kusina. Alam ko namang inutos lang yun ni Karen para kaming dalawa lang muna ang makapag-usap.

"Come on tell me Kane. I am your bestfriend after all. The one you can lean on to keep your balance going."

Kinwento ko sa kanya ang lahat. Lahat lahat ng sinabi ni Cassandra.

"Kane, never ever... As in ever conclude unless kay Mico talaga nanggaling."

Tama nga naman siya pero hindi talaga maiiwasan eh.

"Karen, ex ni Mico yun, Kane ang pangalan. Hindi mo maiaalis sa akin na isipin na naattract lang siya sa akin dahil parehas kami ng pangalan ng BFF niya kuno."

Sana hindi. Ayoko ng madramang buhay. Ayoko ng kumplikado.

"Malay ko ba kung replacement lang ako o ano. Na nakikita lang niya siya sa akin. Paano kung tuwing binabanggit niya ang pangalan ko may parte na si Kane ang naiisip niya. Paano kung sa tuwing nagiging sweet siya, hindi ako yung Kane na nasa isip niya. Nakakaparanoid lang diba?"

She sighed.

"Kane, you love, don't expect to not be hurt. Kasi pag hindi ka nasaktan, hindi pagmamahal yan."

Alam ko naman eh, hindi maiiwasang hindi masaktan. Pero sa ganitong sitwasyon? This is the worst situation I could ever think of.

Sana ex nalang yung Kane kasi siguro mas madali. Kesa sa ganitong best friend, best lover na walang closure. Leche edi siya na ang best.

"Love comes with the best and the worst. You just have to deal with it." she added.

"Karen, ano ang dapat kong gawin? Tapos eto pa nga magkaaway kami ni Mico. Hindi ko na alam eh." yumuko ako.

"Confrontation Kane."

She's Rich, He's RicherWhere stories live. Discover now