Chapter 1

622K 9.8K 1.8K
                                    

 She's Rich, He's Richer : Chapter 1

~Where it all started...

*****

Kane Michelle M. Sy's Point of View

"KANE BUKSAN MO ANG PINTO! Gumising ka na late ka nanaman."

"Mi, five minutes."

"Ayan ka nanaman sa five minutes mong inaabot ng isang oras eh."

"Mommy naman eh."

"Bangon na. Buksan mo na itong pinto. DWANE! Ang anak mo hindi pa rin bumabangon!"

"Bayaan mo lang baka pagod."

"Ayan ka nanaman iniispoil mo kasi eh. Kane buksan mo na itong pinto. Isa. Dalawa."

"Tatlo.Apat.Lima. Marunong din po ako magbilang. Sige na po goodnight"

"Anong goodnight? Eight o'clock na, seven ang pasok mo. ISA!"

With that agad kong binuksan ang pinto dahil alam kong galit na si mommy sa warning tone niyang iyon. Pumasok na ako sa banyo and I did my thing. Bumaba ako agad pagtapos kong magbihis at kumain na kasabay sila mommy.

"Ma'am Kane sira po yung kotse niyo. Yung isa naman po ay yung gagamitin nila ma'am Kath at sir Dwane papasok sa opisina nila. Nagamit naman pong pamalengke ni manang kasama si pedro yung kotse."

"Magcocommute nalang po ako."

"Sigurado ho ba kayo?"

"May choice po ba ako?"

Ang totoo ako ang bumutas sa gulong. Ewan feel ko lang magcommute, yung polusyon na malalanghap, yung sandamakmak na pawis tapos yung walang special treatment. Paunahan sa jeep, makikipagsiksikan sa LRT, lahat, lahat. Yung ginagawa ng karamihan sa atin. Yung may thrill hindi yung laging VIP.

Naglakad ako hanggang kanto, mapakaliwa o kanan, ang mga bahay naglalakihan. Bakas yung karangyaan, nagpapatalbugan ang mga bahay. Nang makarating ako sa sakayan ng jeep agad akong nakipagsiksikan. Nauntog pa ako sa bubong pagpasok ko. This is life!

Malayo layo na rin, isa isa ko ng nakikita ang mga bahay na kabaliktaran ng mga bahay sa amin.

Mga barong barong, makakalat, madudumi, nagliliparan na papel, nakahubad na mga bata, nag-iinumang mga tambay, mga damit na nakasampay kung saan-saan.

Ang swerte ko pala sa buhay ko. Paano kung nararanasan ko rin ang mga ito? Na isa ako sa mga menor de edad na babaeng may bitbit na sanggol at akay akay ang dalawang taong bata. O di kaya ay yung minamaltratong anak at hindi lang yun, sila din ang bumubuhay sa mga magulang nilang sugarol at lasenggero.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon