Chapter 12

260K 4.5K 603
                                    


She's Rich, He's Richer : Chapter 12

~She's gone...

*****

Don't blame me for my decisions, matagal kong pinag-isipan ito. Bibigyan ko lang ng oras ang sarili ko pati na rin si Mico.

This love was surely worth fighting for, but I have been fighting long enough, hard enough.

Mangga at bagoong nga siguro kami, bagay.

Pero bakit di ko naisip, ang mangga masarap din sa toyo na may asukal, sa asin, sa toyo at suka, sa suka. Peste nangangasim na ako pero totoo yun. Ang bagoong pwede rin sa hilaw na saging. Ganun.

Pero hindi pagkain ang issue ko pala ngayon. Love life ko pala.

I decided to not break up with him before I leave. Selfish ba? Damn. I have been selfless long enough for this love. Ibalato nalang sa akin ito. A month or two, I'll be coming back to see if everything will be worth a try again.

I have proved enough.

Hindi ko na kayang iexpress ang nararamdaman ko, ang nasa isip ko.

Random thoughts are keep on coming but I already made up my mind.

Heartbreaking yet my decisions were final.

------

1 year later

Maria Karen Reynoso's Point of View

Masyadong matagal nang wala si Kane. As her bestfriend sinabi niya sa akin ang plano niya. Pero hindi lahat umayon dito. Sabi niya babalik siya after 2 months.

Pero anong nangyari? Biglang nawala ang komunikasyon namin paglipas ng dalawang buwan.

First week na wala siya nagtatanong na agad sa akin si Mico. Halos araw-araw ako kinukulit.

Bilang summer, syempre marami ang pwedeng irason. Kaya sinagot kong nagbakasyon lang at uuwi rin agad.

Mga dalawang buwan lang naman ang nasabing bakasyon, ganun. Gaya ng sinabi niya sa akin. Pero lintek, umasa rin kasi akong babalik siya.

Etong iniwan niyang boyfriend inis na inis bakit hindi siya sinabihan o nagpaalam man lang daw. Kung anu-ano nang kadramahan ang pinagbubulyaw.

Pero peste nga, bakit hindi na siya nagpaparamdam?

Halos magkaphone pal na kami ni Mico sa tawag na natatanggap ko araw-araw.

Tanong ng tanong kelan ang uwi niya.

Magpapasukan hanggang sa enrollment at unang araw ng mga klase. Walang Kane na nagpakita.

Graduate na kami ng college, ano? Ayun, wala na siya.

Hindi ko alam kung kamusta na siya, anong nangyari sa kanya, okay ba siya?

Pumunta kami sa bahay nila pero lumipat na raw sila at walang makapagsabi ng ibang impormasyon.

Kahit ang mga kumpanya nila di namin pinatawad pero nakaprivate lahat.

Si Mico, eto ngayon, nagpapakalunod sa alak. Bakit?

Nagtext sa kanya si Kane. Nakipagbreak. Roaming ang number na gamit. Ibig sabihin wala siya sa Pilipinas.

"Naiinis ako kay Kane bakit naman niya iniwan ang pinsan ko? I mean pagkatapos niyang mawala, through text pa siya nakipagbreak? Btch."

"'Wag mo masabi sabi yan sa harap ko Cassandra baka di kita matantsa." bulyaw ko sa kanya.

"Bakit? Totoo naman ah! Pinaasa niya lang si Mico!"

"Tumigil nga kayong dalawa." ismid ni Shane. "Lalo ka na Cassandra. Akala mo hindi ko narinig ang mga pinagsasabi mo kay Kane nung nakela Kane tayo? Ikaw ang btch. Baka dahil nga sayo kaya umalis si Kane eh."

Nagpipigil ako para sabunutan ng matindi si Cassandra. Nabubwisit ako sa kanya sagad hanggang kalamnan.

Ayaw ko lang dagdagan ang problema ni Mico sa ngayon dahil alam ko hindi niya madadaluhan itong lintek niyang pinsan sa ospital pag nagkataong malasog lasog ang katawan nito.

Akala ko si Shane ang bwisit dati eh, well, she's good. Siya yung masasabi mong secretly, tunay palang kaibigan. Kahit na maarte at ewan minsan.

"Paano yan, mukhang wala ng balak si Kane magpakita." nag-aalalang sinabi ko.

Syempre, miss ko na siya. Ikaw bang mawalan ng bestfriend. Kung hindi dahil sa pamilya niya malamang di ako nakagraduate ng college na hindi naghihirap.

Isang ideya ang pumasok sa utak ko. Tumayo ako ay tumungo sa lamesa kung saan naroon si Mico.

I need to ignite the spark to turn it into a bigger flame.

"Hoy! Madaming beses ka nang hinabol ni Kane. Don't you think it's time for you to return all the sacrifices? Chase her and be a man. Pag ikaw naunahan, hindi siya ang nawalan. Ikaw. Ikaw nanaman Mico. Lagi nalang siya eh. Intindihin mo rin siya. Chase her like she's the only girl in this world. She already did her part, it's your turn now."

Pagkatapos ko sabihin yun bumalik ako sa table namin.

"She's rich, kaya niyang magtago kahit saan. Hangga't kaya niyang tumakbo, lalayo siya sa inyo. She didn't value all of you."

My middle finger alone salutes Cassandra. Bago pa ako makapag salita inunahan na ako ni Shane at mariing binanggit ang bawat salita.

"He's richer, Cass. Don't forget that. Mamumulubi muna si Kane kakatago. Kilala mo ang pinsan mo. When he love, he love. I doubt na hindi niya hahanapin si Kane. Kung nakikita mo lang kung gaano ka wasted yan ngayong gabi at nung mga nakalipas na buwan, ha! I am a hundred percent sure, hahalughugin niyan ang mundo mahanap lang si Kane. Kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan. At pagdating sa pinsan mo, kahit walang paraan, mahahanapan niya. Trust me. I know a lot more."

She's Rich, He's Richerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें