Chapter 1.4

479K 7.6K 833
                                    

Gusto ko ng umuwi kaya medyo sineryoso ko na though hirap na hirap talaga ako at gamais na ang pawis ko.

Malapit na ako sa dulo at may apat na libro na ako sa ulo. Okay na eh, okay na sana pero nabali yung heels! 

Parang nag slow motion ang mundo ko habang pabagsak ako, nauna yung mga libro na nagbagsakan at kagaya sa mga movies na sinasalo ng lalake yung babae... okay hindi nangyari yun. Bumagsak ako at plakda yung pwet ko sa sahig. Sobrang sakit ng balakang ko. 

"I know you're not okay so I won't ask if you are. But you just broke a hundred thousand peso heel. That was supposed to last for a lifetime."

Edi siya na ang mas mayaman. He gave me a hand after that insult and helped me stand up. 

As he held my hand and he commented

"Your wrists are kind of big." he looked at my legs "Your thighs too. Pang noche buena na yan at pwedeng ipampalit sa crispy pata. And now that I noticed, chubby ka pala."

Hinawakan niya yung baba niya na para bang nag-iisip at nagcicriticize. Bigla niyang kinurot ang pisngi ko kaya napasigaw ako sa sakit. 

"Your cheeks are fluffy too."

Kupal. Hindi ako ganun kataba at hindi din ako payat. Chubby ako pero yung tama lang. 

He then again examined me. 

"You are not physically fit like most of the girls in this school."

"I don't need to be like them to stand out."

I raised my eyebrow and said "Are you checking me out mister president?" 

Teasingly it was supposed to be, but I was caught off guard when he answered.

"Well, do you want me too?" 

That time sobrang naging awkward ang paligid buti nalang at pumasok si manong guard para tanungin kung anong nangyari dahil nakarinig daw siya ng sigaw galing dito. Yun ata yung sumigaw ako nung kinurot niya yung pisngi ko. 

Pagtapos nun lumabas na din kami at umuwi. 

Pahiga ako ng kama ng naisip ko, marunong din kaya siyang mag-enjoy? 

He's too perfect too handle, nakakaintimidate siya. It's like umiikot lang ang mundo niya sa pagiging responsable sa paghandle ng mga bagay bagay. 

I woke up earlier than usual. Ginawa ko na ang mga dapat gawin simula sa pagligo, bihis, kain, toothbrush and all. Nagulat pa nga sila mommy at ang aga ko daw. 

As usual hindi ko talaga hilig ang mag ID kaya pumasok nanaman ako sa abnormal way, dun sa pader na lagi kong inaakyatan. At 6:47 nasa room na ako. Mga 6:55 pumasok na si Mico. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

She's Rich, He's RicherWhere stories live. Discover now