Chapter 3

406K 6.2K 351
                                    

  

She's Rich, He's Richer : Chapter 3
~The feelings that grew deeper and deeper...

***** 

Nandito ako ngayon sa guidance. Joke. Nandito ako ngayon sa harap ni Mico at naglilitanya siya. 

"Don't shout, don't run unless kailangan. Yung ginawa mo kanina that's a big no. Paano nalang kung saktong dumaan ang principal? Ang guidance councilor? At kung sino pang may mataas na posisyon dito sa school at maging sa labas ng eskwelahan na ito."

Nakapamaywang siya tapos inawakan niya ang ulo niya na wari ay hinihilot ito. Ganun ba ako kasakit sa ulo? Grabe naman. Pero at least iniisip niya ako hihi.

"Isa pa. Hindi ka nagsusuot ng ID. Start wearing your ID, ginawa yan para isabit sa leeg at hindi para patulugin sa bahay. Kung gusto mo ako pa ang magpupulupot sa leeg mo, sabihin mo lang." 

Naglakad naman siya pabalik balik habang sapo sapo pa din ang ulo niya.

"Isa pa, never confess your love to someone. It may be used against you. Paano kung nagtake advantage ang pinagconfess-an mo?"

"Edi ayos. Ano magtetake advantage ka ba? Hah? Hah?"

Nakangiti kong sabi habang tinataas taas ko ang kilay ko pagdating sa 'Hah? Hah?' pero syempre biro lang yun. Pinoprovoke ko lang siya malay niyo masabi niyang like like niya din ako. Edi kilig kili at susuka na ako ng rainbow at hearts. Kahit na hindi pa buwan ng mga puso mala valentines naman ang peg ko kung nagkataon.

"Stop it! Never.Confess.To.A.Guy.Again! Get that?!"

"Sa'yo lang?"

Malaking ngiti para sa tagumpay. Ang ganda ng pasok ko oha oha. Ang sarap kong palakpakan, konte nalang maglulupasay na ako tawa. Tagumpay na naman ako sa pang-iinis kay labs. MUAHAHAHA. 

Hindi ang totoo kasi niyan ginagawa ko nalang na kumportable ang sarili ko sa harap niya kasi kung hindi malamang nangisay ngisay na ako sa sobrang lamig ko. Ikaw ba naman kaharap ang ultimate like at love mo? 

Ordinaryong babae ako na nararamdaman ang awkwardness pagkaharap ang taong gusto niya. Normal lang na para kang hindi makapagsalita at makakilos o kung ano pa man pero mind over matter nalang. Kailangan di halatang masyadong affected ako kasi wala lang feel ko lang. 

"Stop it. Now, read the books I gave you a while ago. Pag-aralan mo ang proper and formal language kailangan mo yan."

 Hindi pa rin ako kumikilos hanggang sa...

"NOW!" 

Nataranta ako at dali daling nabuksan ang libro. Pusa naman. Makasigaw daig ko pang ang, ang, teka wala akong maisip nevermind. 

"Kalma."

Yun nalang nasabi ko kasi I'm out of words. Wala na din talaga akong maisip. 

"We're halfway and I can't see any changes. Meron siguro pero napakaminimal lang. Kaya umayos ka na Kane!"

"Let's have a deal" for the benefit of me. Hahaha joke. 

Syempre for the benefit of both of us. Para sa pagmamahalan namin. Hihi. Taglandi na talaga ngayon hindi na tag-araw o tag-ulan. 

"What deal?"

"You'll love meh, I'll love you."

Pero syempre di ko yun sinabi. Baka itapon ako nito palabas o di kaya ay mainis nanaman siya at magwalk out. Sayang ang chance. Kaya seryoso na.

"Aayusing ko ang dapat ayusin lalo na sa araw na ilalaan para sa observations sa pagbabago ng kilos ko at kung ano pa mang kaechingan nila. Everything, gagawin kong smooth ang lahat. I'll ace the test they'll give me at the end of this."

Kayang kaya ko naman kung gugustuhin ko. Konteng bagay lang naman ang hindi ko alam. I can go classy if I want to. I'm just more fond of being myself than being someone I am not.

But fine! For the benefit of him and his reputation, nakita ko naman ang pagod niya sa akin and all. Marami din naman siyang naituro sa akin, honestly. 

"And the condition is?"

"I'll teach you too." 

"I know everything."

Hambog ang mahal ko ang sarap balatan ng buhay.

"Yes you know everything. IN SCHOOL." 

I emphasized the word 'in school'. Totoo naman eh. He knows ALMOST everything pero he doesn't know how to live life happily and that was my mission a month ago but sadly hindi ko nasimulan. Nawala kasi sa isip ko dahil talaga namemesmerized ako kay Mico sa buong nakalipas na buwan/ 

Tuwing tinuturuan niya ako at nagagalit siya, everyting. That was the time I started seeing him as a man. Not only a man of hardword, responsibilities, class and all but I started seeing him as a man to love. 

He did not respond kaya nabigyan ako ng pagkakataong makapagsalita pa. 

"I'll show you the real world. I'll show you that it is not all about money, fame, responsibilities, proper behaviours and manner. That you sometimes need to go beyond limits." 

"Deal." 

After ng pag-uusap naming yun pinagbasa niya ulit ako ng libro. Akala ko malilimutan niya na pero hindi pala. 

Habang pauwi iniisip ko, am I capable of teaching him? Will I be a good mentor? 

Maidedeliver ko ba sa kanya yung mga gusto kong malaman niya?

Ang dami kong doubts sa sarili ko but I'll make the most out of the chance he gave me. 

Love is sacrifice. Tsaka na ang love life ko ang mahalaga maturuan ko siya ng totoong pagsasaya, the real meaning of happiness. 

But how? 

Naku naman Kane ang kalokohan mo talaga. Sasabak sabak ka sa gyera ng walang plano. 

Pero let us believe to the....

POWER OF LOVE.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon