Chapter 7.4

342K 5K 876
                                    



Parang engot talaga yung lalakeng yun. Sinara ko na yung gate at pumasok sa loob. Itext ko kaya siya?

To: Mico <3

Goodnight

Nag-abang ako ng ilang minuto at chineck ang cellphone ko. Aba, walang reply. Sige lang baka nagdadrive pa siya.

After almost thirty minutes chineck ko ulit. Wala atang balak magreply yun.

Makalipas ang dalawang oras, matutulog na sana ako kaso biglang nagvibrate ang cellphone ko. Si Mico nagtext. Napangiti ako.

Night.

At least nagreply siya kahit walang 'good'.

Maaga akong nagising may pasok na rin kasi. Napaisip ako, saan nga ba nag-aaral si Mico?

To: Mico <3

Saan ka nag-aaral?

Nagreply naman siya agad at ang sagot niya ay tumataginting at nakakabwisit na 'secret'. Bwisit talaga.

Pagkatapos ng pangatlo kong klase tinext ko si Cassandra at Karen. Free time rin pala nila kaya nagkita kita na kami sa canteen para maglunch at magkwentuhan.

Tamang tama. Pwede ko matanong kay Cass kung saan ba nag-aaral ang abnormal niyang pinsan.

"Ang tagal mo Kane, saan ka galing?"

"Wala naligaw." sarcastic kong sagot sa tanong ni Karen.

"Nakabusangot ka nanaman. Lalo kang pumapangit?"

"Oh my gosh. Magkamukha na tayo?"

"Huhu nakakaiyak. Ewan sa'yo. Libre lait basta ilibre mo rin ako ng pagkain."

"Ahy Cass, saan nag-aaral si Mico?"

"Seryoso ka? Hindi mo alam?"

"Malamang hindi. Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Sungit ahh."

"Bayaan mo na. May dalaw pa rin ata yan."

"So ano na Cass. Saan nag-aaral si Mico?"

"Hindi mo pa rin pala talaga alam. Dito."

Nagulat ako. So all this time. Dito lang siya nag-aaral? Grabe.

"Seryoso?"

"Oo. Layo kasi ng department nila eh, bandang dulo kaya malamang hindi mo siya makikita. Lalo na kung di ka naman naglilibot talaga. Pero ikaw pala yung sinusundan ng magaling kong pinsan dati, kaya pala madalas napapadpad malapit dito. Pero hindi mo napapansin yun. Kung sa bagay sino ba ang makakakita sa taong patago tago? Sweet niya 'no? Kahit di mo alam. Naku, sina-sight ka lagi niyan noon."

Napanganga at napatunganga ako. Grabe, iba talaga si Mico. Tama siya, when he love, he really love. Kung mahal niya, mahal niya talaga. Kinikilig tuloy ako. Bawing bawi ang tatlong taon kong pagiging broken hearted.

"Cassandra, you should learn to shut your mouth sometimes."

"Oy cous. Nandito ka pala he-he. Upo ka."

Umupo siya sa tabi ko. Nag-excuse naman si Cassandra, sinama niya na rin si Karen para bumili ng pagkain.

"Bakit hindi mo sinabing dito ka nag-aaral?" Bulyaw ko sa kanya.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon