Chapter 1.2

524K 8.9K 1.7K
                                    

"Dahil sa pagiging immature mo nadamay pa ako. I have a lot of responsibilities, dumagdag ka pa."

Reklamador. Blablabla mister perfect kasi. Hindi maranunong magsaya. Gusto laging may problema, oh ngayon edi ako ang problemahin niya. Kainis, kill joy forever. 

"Sakit mo naman makasalita." 

"Edi sabihin mong palitan ang taong magtuturo sa'yo ng tamang asal. Huwag na ako." 

"Meron akong tamang asal. Hindi nga lang sa paraang gusto nila. Tsaka ibig sabihin ba nun hindi mo ako kayang turuan ng  mga dapat kong matutunan? Hah. I thought you always accept new challenges and responsibilities. Mali pala ako."

"You're just not worth my time."

"You only have three months mister president. Let me remind to you that. I must be worth of your time now. I am your responsibilty from now on. Every action and words I show to everyone reflects to you. Now how's that?" I said as I raised my eyebrows

"Sy! Dahan dahan ka sa salita at kilos mo, you're talking to me. The president of this school." he said with authority. 

"What should I do then?" 

"Tell the right words and ask for apology." he commanded. Aba, he's surely superior in this school but not for me. Ibang usapan na yan. 

"Teach me then." and I walked out leaving him dumbfounded. Hah! Serves him right. 

Ang saya talaga ng buhay lalo na kung may naiinis ka. Such an entertainment. 

Pangiti ngiti akong naglalakad papuntang room. I may look crazy but who cares? Being crazy makes me awesome.

"SY! Don't give me that attitude. From now on every misbehavior that shall be done by you will have an equal punishment." 

"Whatever." 

"In addition, we'll have one hour session every weekdays as suggested by the principal. If, in any case, you did not attend a session..." he paused  "we'll see about that." 

"Geh. Sabi mo eh." 

Pagkatapos ng klase pumunta ako sa pader na madalas kong akyatan kasi gusto kong bumili ng manggang may bagoong. Wala kasi nun dito sa school, sa carinderia sa labas lang meron. Hindi naman ako papalabasin ng guard kasi nakatunog na yun na may session kami ni mister president. 

As usual mabilis lang akong nakatawid palabas at nakabili ng manggang may bagoong. Inubos ko muna lahat at pagkatapos kong kumain ay pinahid ko sa palda ko medyo malagkit na din kasi yung kamay ko. 

Nang makatalon at makatawid ako agad naman akong pumunta sa detention room dun kasi maluwag at kumportable tsaka tamang tama lang hindi ganun kasikip hindi din ganun kaluwang. Tsaka malinis dun kasi walang masyadong nakakagamit. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon