Chapter 6.8

335K 4.6K 155
                                    


Lumabas na si Mico at binagsak ang pinto. Aba ang lalakeng yun. May balak pa atang sirain ang pinto ng hotel room na ito.

Kung sa bagay. He can buy me, my friends, this room and this entire hotel. Pero syempre joke lang yun. He can't buy me. Kahit free na ako, okay lang.

Pero bahala na muna siya ngayon. Galit ako. Pachix din ba kahit minsan. Pachix din kung may time. Para kunyari dalagang Pilipina hihi.

"Oh ayan! Nag walk-out na. Ano gagawin mo ngayon? Win his heart, win his heart ka pang nalalaman inaaway mo lang rin naman. Ang gulo niyong dalawa. Ang sakit niyo sa ulo."

"Hindi ba pwedeng pahard to get din ako minsan?"

"Ewan sa'yo ha. Isa't kalahating abnormal ka rin kasi. Dami mong nalalaman. Ang gulo niyong dalawa. Pointless naman kayo pareho. Oh? Ano nang gagawin mo ngayon?"

"Go with the flow. Sumabay sa agos ng buhay. Sa ngayon, inaantok ako. Tulog muna tayo kahit 30 minutes lang. Mamaya pa namang alas dos ang activities. Sobra pa limang oras ang meron tayo."

"Bahala ka. Pagod na rin naman ako maglakad at pagod na rin ako makinig sa kadramahan ninyong dalawa. Mabuti nga sigurong magpahinga muna tayo. Teka, nakakain ka na ba?"

"Wala pa." Sa totoo lang ay gutom na rin ako. Mabuti at nabanggit niya. 


"Lalabas nalang muna ako at oorder ng pagkain. Sabi naman ni Cassandra ay mag-orderlang daw ng gusto natin. Kaya ayos nang ako nalang ang bumaba. Ano ba ang gusto mong kainin?"

"Kung ano nalang ang iyo."

"Sige bababa na ako. Sana pagbalik ko wala ka nanamang kaaway. Tss."

Mabuti nalang at medyo nawawala na ang sakit ng puson ko pero hindi maiiwasang medyo iritable pa rin ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro nalang habang naghihintay.

Imbis na maglaro ay tiningnan ko nalang ang dati naming messages ni Mico. Kahit na nagpapalit ako ng cellphone ay pinapalipat ko pa rin lahat ng saved text messages ko tuwing nagkakaroon ako ng bago.

May folder kung saan dun nakasave ang lahat ng conversations namin. Binuksan ko ito at nagbasa ng iilan. 

Hindi ko namalayan ay unti-unti na pala akong napapangiti. 

"Hoy babae. Anong nginingiti ngiti mo dyan? Para kang baliw." 

"Bakit ka ba nangingialam? Akin na nga ang pagkain ko. Tss. Nang-iinis ka nanaman."

"Ewan sa'yo. Babaeng may dalaw, sobrang babaw. Dapat ipakagat sa aw-aw." sabay tawa nito ng malakas. Napailing nalang ako. Siraulo ang babaeng ito. 

Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami saglit. Iniwan ko muna dun si Karen na nagpapahinga. Mabuti na iyon para medyo tahimik ang paglalakad ko sa tabing dagat mamaya. Bumaba ako at dinama ang sariwang hangin. 

Nakarating ako sa isang gazebo at umupo sa loob bandang gilid na parang upuan pero hindi.  Basta yun na yun. Nagmumuni muni ako at nilalasap ang masarap na ihip ng hangin. Nakakatuwa naman dito. Ang sarap ring tingnan ng tanawin. 

"Oh!"

Inilingon ko ang ulo ko at nakita si Mico na nag-aabot ng bulaklak. Napangiti ako sa isip ko pero hindi ko muna dapat ipakita ito. Minsan lang akong magpahard to get mula noon hanggang ngayon kaya ngayon ay lulubusin ko na. 

"Ano yan?" kunot noong tanong ko sa kanya. Sana ay nagagawa ko ng tama. Bagay siguro sa akin ang magpahard to get. Nakakatuwa naman. 

"Bulaklak." maikli niyang sagot na tila nauubusan ng pasensya pero pilit niyang kinocompose ang sarili niya. 

"Ano namang gagawin ko dyan?"

"Bahala ka. Binibigay ko na sa'yo yan. Ilagay mo sa jar o kainin mo. Basta iyo na yan." 

Tinanggap ko ang bulaklak. Hindi ito bulaklak na bastang pinitas lang. Bouquet ito at talagang inarrage ng maganda. Hindi ko magawang magsungit kahit anong pilit kung ganito kaganda ang mga bulaklak na itinapat niya sa akin kahit na may pagsusungit.

Aba't kainin ko raw ba? Nakakainis pero at the same time nakakakilig. 

"Peace offering ba ito?"

"Ewan. Siguro." 

"Nanliligaw ka ba?"

"Ano? Hindi 'no."

"Sige na aminin mo na Mico. Mahal mo pa rin naman ako eh. Anong masama dun? Magpapaligaw naman ako ah. Hindi naman kita ganoong papahirapan. Promise." sabay taas ko ng kanan kong kamay. 

Bahagya naman siyang napatawa. 

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako." 

"Sige." 

Bigla siyang tumalikod at umalis nang ngingiti ngiti.

"Anong sige? Mico! Anong ibig sabihin mo?"

"Don't dare follow me Kane."

Patuloy pa rin siyang naglalakad ng nakapamulsa. Ang loko, ayaw magpasunod at iniwan lang ako tapos 'Sige' lang ang sinabi sa akin. Ano bang ibig sabihin noon? !@#$%^&* namang buhay oh. Bakit laging bitin?

"Hoy, anong sige? Sige, liligawan mo ako? Anong sige? Naman Mico eh! Oy! Hindi ako manghuhula!"

Patuloy ko pa rin siyang sinisigawan pero hindi niya ako nililingon.

"Mico! Hindi ako nakikipaglaro. Ano bang ibig sabihin ng lintek na sige na yan?!" sigaw ko sa kanya kahit na malayo na siya. 

Kahit pa isipin ko na ang 'Sige' niyang iyon ay sige na liligawan niya ako ay hindi pa rin ako pwedeng mag-assume ng ganoon nalang. 

Expectations hurt. Kaya hindi ako dapat mag-expect. 

Gaya nga nang sabi nila, Never assume until otherwise stated.

Dapat marinig ko muna mismo mula sa kanya kung ano ba ang ibig sabihin niyang talaga. Knowing Mico, masyadong malawak ang pag-iisip niya. 

Kaya ang simpleng Sige niyang iyon ay maaaring naglalaman ng maraming kahulugan, para sa akin naman ay naglalaman ito ng maraming katanungan. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon