Chapter 4.6

361K 5.9K 509
                                    

Mag-isa akong naglunch. Maybe wala talagang plano si Mico na makipag-ayos sa akin.

Seriously? Am I not worth of his time? Ni hindi niya manlang ako pinuntahan para yayaing maglunch. Dirediretso lang siyang lumabas at hindi ko alam kung saan na pumunta.

Kawawa naman itong pagkain, lamog na kakahalo halo ko. Nawalan na din pala ako ng ganang kumain.

May mali nga ba sa ginawa ko kanina? I should have think first siguro bago nagsalita.

Sana inintindi ko muna si Mico, baka marami lang talaga siyang ginagawa. I should have been more understanding. Minsan kasi sensitive din ako e, dapat talaga hindi ko nalang sinabayan.

I lazily stood up pagkatapos kong kumain. Bumalik na din naman ako sa room, wala naman akong pupuntahan eh.

"What's with the face?"

"Wala ito Chiars."

"Oww okay. You are so lucky kaya girl hihi."

"Hah?"

Lucky? Paano ako naging swerte eh todo busangot na nga ako tapos naisip niya pa yun?

"Ahh wala wala. Nevermind. Ahm ge I'm ahh going to the uhm canteen to buy more foods, hehe."
She's weird.

Pumasok na lahat since malapit na magtime. Tumititig ako kay Mico pero niisang sulyap mula sa kanya wala akong nakuha.

Mukhang pagod siya, napansin ko lang naman. He must be really busy, sana inintindi ko na nga lang siya talaga. I wanted to say sorry.

Sige, it is decided, mamayang uwian magsosorry ako sa kanya. Tsaka lagi nalang siya ang nagpapasensya sa akin this past few days kaya dapat suklian ko yun.

Malapit na ang dismissal at hindi ko alam kung paano ko iaapproach si Mico. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin. Naman oh! Tss.

Dapat kaya ganito...

"Mico I'm sorry for being so insensitive----" ughh hindi hindi. Parang sinasabi ko namang ako ang may kasalanan lahat, pero ako nga ba? Ahhhh! Kainis!

"Okay, class dismissed."

Bahala na nga, here goes nothing. Magsosorry nalang ako ng mula sa puso, yung hindi scripted. I know when you say anything right from the heart it will bring out the best. So yeah, hinga ng malalim Kane.

Tatayo na sana ako kaso paglingon ko nakalabas na si Mico, wala na siya sa  room.

"I'm hopeless, really. Kainis naman oh. Arte arte mo naman kasi e."

"Excuse me?" maarteng tanong ni Chiara who happened to be beside me. Ngayon ko lang napansin nandyan pala siya.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon