Chapter 2.6

404K 7K 817
                                    

Packing tape late na talaga ako. Lagot may quiz pa naman sa third subject kailangan kong makahabol kahit klase nalang na pang 9-10.

8:06 na. Dali dali akong kumilos. Naligo ako pero wisik wisik lang. Syempre late na ako magcoconcert pa ba ako sa banyo? Maghihilod pa ba ako?

Kumukulo na nga din ang tiyan ko, hindi ko alam kung sa gutom o sadyang natat*e lang talaga ako. Pero binalewala ko na yun kasi nga late na ako. Nasabi ko na bang late ako? Sh*t oo late na talaga ako. 

Dali dali akong tumakbo papuntang kotse at tinawag si manong. Pero asdfghjk kung kailan naman nagmamadali bakit ngayon pa siya nag-aayos ng gulong? Bakit ngayon pa na flat?

"Ma'am flat po. May matulis na bato kasing nadaanan yung gulong nung pinacar wash ko po kahapon." 

Hindi ako pwedeng hindi pumasok. Lagot talaga ako kay ma'am Karumaldumal. No choice magcocommute ako. 

Kaya tumakbo na ako papuntang sakayan ng jeep. 

Nakita kong isa nalang ang bakante at aakyat na yung pasahero kaya ang ginawa ko I pulled her hair. 

"Ano ba miss? Bitiwan mo ang buhok ko!"

Nung nahila ko ang buhok niya at nakaupo na ako sa entrada ng jeep ay wala na siyang nagawa. 

"Sorry if I pulled your hair. Kailangan ko na talagang umalis." 

Mukhang kaedad ko siya, kayumanggi ang balat, medyo marami nga lang tigyawat at ang gulo gulo ng buhok niya tapos ang putla ng labi niya. Teka nagdedescribe ba ako o nanglalait? 

Ayun umandar na ang jeep. Sumigaw nalang ulit ako para makabawi. 

"Sorry talaga! Pag nagkita tayo ulit babawi ako!" 

She just stood there. Hindi manlang siya gumalaw agad. Natrauma ata sa pananabunot ko. Pero hindi naman siya mukhang traumatized she looked so amused kanina. Anyway babawi nalang ako kapag nagkita kami ulit para na din formal na makasorry. Naku lagot ako kay Mico kung nalaman niya nanaman itong mga inasal.

Ayan Mico nanaman! Tumigil ka nga Kane.

At kung talagang sinuswerte ka nga naman, talagang magpapagas pa si manong jeepney driver. 

"Pagas ho muna tayo hah? Hindi naman ho siguro kayo madaling madali na. Mahirap kasi maubusan ng gas at matigil sa daan." pakiusap ni manong sa aming mga pasahero niya. 

ASDFGHJK Alam niyo yung feeling na late na late ka na tapos naisipan pang magpagas nitong si manong driver? Nakakaloko lang eh. Kung hindi ako nagmamadali, anong tawag sa akin ngayon na halos paliparin ko na itong jeep niyang kakaragkarag? Pusa naman oh!

Nung nagbabayad ako at pinapaabot yung pera ko, leche flan wala manlang nag-abot. Kulang nalang sabihin kong 'manong bayad, catch!' !@#$%^

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon