Chapter 11

272K 4.9K 641
                                    


She's Rich, He's Richer : Chapter 11

~Two hearts fighting for one...

*****

This is it. Eto na talaga yun.

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ipasa ang huling requirement ko sa sem na ito.

To: Mico <3

Saan ka? Pwede ba tayong mag-usap?

Nanginginig at pinagpapawisan ang kamay ko habang pinipindot ang Send button.

Hindi naman ako pasmado para magkaganun ang kamay ko pero over over na talaga itong nararamdaman ko.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Binuksan ko ito at nag expect na nagreply na agad si Mico.

gUd m0rnin6 pouwsz. k43n t4y0.

@Bhouwsz xenxa d nksama bAsket ball
@k4n3y fayt fayt. K4y4 mu yn..., Alalahnin m0 xenabi ni K4r3n xau. kAlma k4 l4n6 dn. mgiging aux lhat

gr0upie ajejeje..,
#gUt0m #lUt0 #k43n
GM.

Bahagya akong nadismaya pero natuwa naman ako sa paalala ni Rey kahit na medyo nakakabulag yung paraan ng pagtype niya.

Saan ka? Ako na pupunta sa'yo.

Mabilis kong nireply si Mico na magkita nalang kami sa oval. Walang masyadong tao dun kaya yun ang naisip kong pagkitaan namin.

Naglakad ako agad papunta sa oval. Napako agad ang tingin ko kay Mico na nakapamulsa at nakatayo malapit sa isang poste.

Agad ko siyang nilapitan. Hindi ko alam ang sasabihin ko leche naman oh. Bahala nalang.

Nang makalapit ako ramdam ko na ang tensyon. Malamang may pinag-awayan kami nung huli naming pagkikita at ito ako para iconfront siya tungkol dun sa Kane,

Nang magkaharap na kami... One word. Awkward.

Nakatayo ako, nakatayo siya. Naka look away pa ako. Hindi ko siya matingnan sa mata.

Nararamdaman niyo ba ang tensyon? Kasi ako damang dama ko.

Ramdam kong nakatingin siya ng diretso sa akin pero bakit ngayon sobra sobra ata akong naiilang? Hindi kami ganito. Hindi ako ganito.

Madalas malakas ang loob ko. Nasaan na yun ngayon?

Huminga ako ngmalalim, tumingin ako sa kanya at mahinang sinabi ang pangalan niya.

"M-mico..."

Pakiwari ko ay wala siyang balak magsalita. Hinahayaan niya siguro na ako muna ang magsalita. Alam niya kasi kung kailan siya dapat makikinig at magsasalita.

He's Mico after all.

"S-sino si Kane?" nag aalangang tanong ko.

"Ikaw." boring at balewala niyang sagot.

Naiinis ako kasi parang wala lang sa kanya. Nakakairita.

"Alam ko na Mico. There's another Kane maliban sa akin. Hindi ako ang unang Kane sa buhay mo."

"Don't make issues of your own Kane." diretso pa rin ang tingin niya sa akin.

Siguro nga ako ang gumagawa ng issue para sa sarili ko. Pero hindi yun maiiwasan lalo na sa sitwasyon namin.

"Yes, maybe. But can you blame me?"

Tikom ang bibig niya at nag-aantay sa susunod kong sasabihin. Kaya sinimulan ko ng pakawalan ang mga iniisip ko. Alam kong magiging parang armalite ang bibig ko sa pagkakataong ito.

"Mico. She's Kane, I'm Kane. May pinagkaiba ba kami? Syempre meron. Iba ako, iba siya. Pero napilitan ka lang bang magustuhan ako dahil kapangalan ko siya?"

He smirked pero halata mo sa mukha niyang ayaw niya sa mga sinabi ko. Kinakabahan na ako pero tinuloy ko lang ang litanya ko.

"Best friend mo siya! Best lover din daw! Pero hindi naging kayo. Aba matindi. Tapos wala pang closure. Tell me rebound ba ako? Kaya mo ako pinatulan kasi Kane rin ang pangalan ko? Kaya mo ako ginerlfriend para may pumuna sa pagkukulang niya? Kapag binabanggit mo ba ang pangalan ko siya ang naiisip mo? Kapag may sinasabi ka ba sa akin para sa kanya dapat yun? Kasi.... diba, siya ang best sa'yo?"

Ayoko mang tanungin pero kailangan.

"Tell me, substitute lang ba ako?"

Ngumiti siya na parang nakakaloko. Na alam mong naiinis siya. Ngiting iritable siya.

"Ganung klaseng tao ba ako sa paningin mo? Mukha bang ginag*go lang kita simula noon? Ayos ah."

Napailing siya. Nagulat ako ng bigla niyang sinuntok ang poste sa tabi namin.

"Ganun pala kababaw ang tingin mo sa akin Kane."

Napaisip ako. Dapat ba pinagkatiwalaan ko siya? Pero nangamba kasi ako at kailangan ko ng sagot. Yung malinaw na sagot hindi yung parang nanghuhula ako.

Kasi anh hirap din mag-isip ng nega. Kasi the more na ayaw kong isipin, the more na naiisip ko.

Diretsang sagot lang naman ang hinihingi ko. Mahirap ba yun?

"Nagtatanong lang ako. Gusto ko ng assurance. Hindi mo maaalis sa akin na mapaisip. Leche. Alam mo ba kung paano siya dinescribe sa akin? Parang siya na ang pinakamagaling at pinaka perpekto sa lahat! Kung anong meron kayo and all! Hindi maaalis sa akin na ikumpara ang sarili ko sa kanya. She's your bestfriend muntik maging girlfriend pero hindi ko alam kung bakit hindi natuloy! It was all left history kung bakit nga ba. Pero wala na akong pakialam kung bakit di naging kayo. Gusto ko lang ng assurance."

Hindi naman sobra ang hinihingi ko diba?

"Bakit ka ba kasi nakikinig sa iba? Sila ba ang boyfriend mo?! Hindi pa ba sapat ang pinakita ko sayo?!"

May punto siya pero may punto rin ako.

"T.I. naman Mico oh! Sabihin mo ng diretso. Hindi yang ganyang nagpapaligoy ligoy ka. Parang mas iniisip ko tuloy na nagaalinlangan ka. Ni hindi mo nga masabi ng diretso at dinadaan daan mo pa sa kung saan! Say it ng matahimik na ako!"

Huminga siya ng malalim.

"Mahal kita Kane. Ikaw bilang ikaw. B*llsh*t. Extra nalang ang iba."

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon