Chapter 7.2

331K 5.1K 701
                                    



"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan. Pero mas ayos sana kung kumanta ka manlang o tumugtog."

"Alam mo, ang demanding mo."

"Mahal mo naman ako kaya dapat walang kaso yun sa'yo."

"Did I say I love you?"

Sumingkit ang mata ko sa tanong niyang iyon. Naiinis na ako. Ang lakas na niyang mamilosopo at mang-asar. Dati seryoso, masungit at straight forward lang siya. Ngayon ay pilyo na rin.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Umuwi ka nalang at maghanap ng ibang liligawan!"

Isasara ko na sana yung pinto pero natigilan ako.

"Sigurado ka bang maghahanap ako ng bagong liligawan?"

"Syempre hindi! Tara na. Ano pang inaantay mo dyan? Pumasok ka na nga at pauwiin na ang bandang hinire mo para haranahin ako at baka masagot ko pa ang isa sa mga yan. Badtrip."

Nagpasalamat siya at ako na rin dun sa bandang tumugtog. Magaling sila, maganda ang boses at medyo may itsura naman. Pagkatapos nun ay umalis na rin sila sakay ng sasakyang malaki na sa palagay ko ay pinasadya pa para maging convertible na stage at pwedeng mapaglagyan ng lahat ng instrumento.

Pumasok na kami ni Mico sa loob ng bahay.

"Wala ka manlang dalang bulaklak o chocolates?"

"You should have said it earlier nang nakapabili sana ako."

"Gahd Mico, automatic na yun. Kapag nanliligaw kasangga mo ang flowers at chocolates."

"Are they really needed? Malalanta lang ang bulaklak. Matutunaw lang ang chocolates. Pero ako hindi na kita iiwan pa. Dapat ako palang, sapat na. Tss."

Uminit ang pisngi ko at panigaradong namumula na ito. Oh my Mico. Yung mga tuhod ko nalalanta sa kilig. Pati puso ko natutunaw sa mga pinagsasabi mo. P*ksh*t oo na, ikaw palang sapat na. I couldn't ask for more ang drama ko ngayon.

"You're so red. I wonder why. May sakit ka ba o sadyang kinikilig ka lang?"

"Oo na kinikilig na. Ano nakakain ka na ba?"

Hindi naman masamang umamin lalo na kung obvious na masyado. Mas magmumukha lang akong t*nga. Kaya umamin nalang ako.

"Not yet."

"Tara, kain na muna tayo."

Habang kumakain kami ng tahimik ay biglang may bumusina. Naku, si mommy at daddy na ata yun. Paniguradong magugulat sila kapag makikita nila si Mico.

"Kane."

Agad akong napatayo at tumakbo papunta kay mommy.

"Mukhang may kasama ka ah."

Napalingon ako at nakita kong pinupunasan ni Mico ang bibig niya gamit ang table napkin. Tumayo na siya at papunta nadito sa gawi ko. Siguro ay para batiin ang kakarating ko lang na mga magulang. Baka magpapalakas sa manugang niya. Hihi.

"Good evening po."

"I'm surprised to see you again Mico." Masayang pagbati ni mommy.

"Oh Mico, what brought you here?" tanong ni daddy.

"Sir, ma'am, I'm courting your daughter."

"Naku Dwane naalala ko tuloy nung teenager pa tayo. Ganyang ganyan din tayo diba? Nagkahiwalay tapos nagkabalikan din ulit. Nakakatuwa ka talaga Mico kaya botong boto ako sa'yo. Pagtiyagaan mo lang itong si Kane and everything will fall back into place. Natutuwa talaga akong makita ka ulit."

"I see. Let's eat." tumango lang si daddy at dumiretso na kami ulit sa dining table.

Nag-usap lang si daddy at Mico, tungkol nga sa negosyo namin at nung kanila Mico. Habang ito si mommy hindi pa rin makaget-over at tuwang tuwa talaga.

Parang may kanya kanya kaming mundo. Kami ni mommy at Christine tapos si Mico at daddy. Para lang kaming isang buong pamilya. Nakakatuwa.

Pagkatapos mag-usap, kumain at magpahinga ng kaunti ay nagpaalam na si Mico. Nagshake hands lang sila ni dad at nagbeso ni mommy.

Hinatid ko na siya sa may labas ng gate kung saan nakapark ang sasakyan niya.

"Goodnight Kane."

"Goodnight Mico."

Tumalikod na siya pero bigla siyang huminto sa paglalakad.

"Uhh Kane, have you forgotten something?"

"Hmm wala naman. Bakit may kukunin ba ako sa'yo? May ibibigay ka ba? Or may naiwan ba ako sa sasakyan mo? Or ikaw ang may naiwan at mali lang ang tanong mo?"

Bigla siyang namula.

"Bakit ka ba namumula? Ano bang nakalimutan ko?"

"Wala, 'wag na nga lang. Just. Ugh. Nevermind."

"Ano nga?"

Kung kailan pa nacurious na ako tsaka pa siya nagnenevermind nevermind.

"Wala nga!"

"Ano nga kasi?! Naman eh. Nacurious na ako. What is it that I forgot Mico?"

"Fine! If there's a goodnight, there must be a goodnight kiss Kane. Yun yun. Just so you know 'bout that."

"Yun lang pala eh."

"So you're going to give me a kiss?" namula siya hahaha. Cute Mico. Manly and handsome yet cute.

"Tayo na ba?"

"Tayo na?"

Mico. He's too wise. Normally, kapag nanliligaw palang kapag tinanong ng ganyan ay 'Hindi' ang isasagot. Pero siya ay binalik niya ang tanong. Kasi the moment na sasabihin niyang hindi, tsaka ko isisingit na edi hindi pwede ang kiss. Ano ba naman yan. Lakas mambasag ni Mico.

"Sinagot na ba kita?"

"Sinagot mo na ba ako?"

"Mico! You're supposed to answer, 'Hindi'"

"Then you shouldn't have asked me. Alam mo naman pala ang sagot."

Nasapo ko ang noo ko.

"So, the kiss?"

"HINDI!"

"Fine! Ang damot mo!"

Padabog siyang pumasok sa kotse niya at pinatakbo ito ng mabilis. Parang bata.

She's Rich, He's Richerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن