Chapter 2.2

416K 6.7K 774
                                    

"Kane do not wipe that baging on your skirt."

Muntik na akong matawa dahil sa tawag niya sa bagoong. Haha that was epic. 

"Bagoong." I said as I corrected him

"Yah. Whatever the f*** is that. Just don't."

"Like this?" 

Then pinahid ko yung kamay ko sa palda ko. 

"Yes like that." 

He calmy said tapos binalik ang tingin sa librong binabasa niya since break time namin sa session which is dahilan din kaya nakakain ako ng paborito kong mangga at bagoong. Pero narealize niya din kung ano nga ba ang ginawa ko pagkalipas ng konteng segundo.

"F*** that. You stink. Dismissed." he then walked out. 

Nice going Kane. Ginalit mo nanaman si Mico. 

Eksaktong isang buwan na ang nakakalipas. My feelings grew deeper and deeper. From simple crush to ultra crush. From ultra crush to simple like and unti-unti ng lumalala and ulit, I can't do anything to stopt it. 

Regular pa rin ang pagtuturo niya, regular din na naiinis siya sa akin dahil sa kawalan ko ng poise at kung anu-ano pang bagay na dapat DAW sabi ng SCHOOL ay taglay ng isang babaeng gaya ko. 

"Ano ba Kane! Pag-upo palang ng maayos hindi mo pa gawin! Isarado mo yang hita mo! !@#$%^" 

"Hindi ganyan ang tamang pagbabasa! Ibaba mo nga yang paa mo at baliktarin mo ang libro! !@#$ hindi ka naman talaga nagbabasa. Get serious"

Madalas niyang kinaiinisan ay yung pagkain ko ng mangga at bagoong dahil ang langsa langsa ko daw. 

"Ang langsa mo. Daig mo pa ang nakipaglaro sa mga lamang dagat buong araw." 

"Coz I'm a mermaid."

I joked pero mukhang hindi siya natutuwa sa sinabi ko. As usual, he's Mico after all. Pero maliban dun corny naman kasi talaga yung sinabi ko. Kahit sino ata talagang pagsabihan ko ay kakasahan ako ng baril at tuluyang tatanggalin sa mundong ito sa sobrang kawaley-an ko. 

Dahil winalk-out-an na din ako ng first crush at first like ko ay pinack ko na din ang mga gamit ko dahil wala ng silbi pa ang pananatili sa silid na ito kung wala na din naman siya. 

Yan, yan ang mga kalokohang nasa isip ng mga taong humaling na humaling sa isang taong hindi alam na may pagtingin ka sa kanya at baka pag nalaman niya ay layuan ka niya. Huhu diba?

Alam kong maraming nakakarelate sa akin sa aspetong yan at  hindi ko ba alam kung naeenjoy ko siya o gusto ko ng tigilan ang kalokohang yun.

Kinuha ko na ang gamit ko kesa naman dito pa ako magsenti. Paglabas ko hindi ko alam na nandito pa pala siya akala ko tuluyan na niyang iniwang wasak ang puso ko at nangungulila. Biro lang.  

"Oh? Nandito ka pa pala?"

Obvious ba Kane? Ganun ba yun? Nagiging t*nga ka kapag kaharap mo ang taong gusto mo? On the second thought madalas pala akong ganito at normal lang pala ito sa akin. 

"Do you like me?"

Straight niya na tanong sa akin. 

I badly wanted to say yes pero alam kong hindi pa, hindi pa ito ang tamang panahon at tamang oras. 

"Hahaha ikaw talaga napakapalabiro mo. Anong like?"

"Are you playing dumb with me?"

"Am I dumb? Are you dumb? Why are we playing dumb?"

"F*** you're annoying. Do you like me?!!"

"Are you playing f*** with me?" 

Ayoko magsinungaling sa kanya kaya as much as possible ayokong sagutin yan. Kasi sa totoo lang hindi ko siya mabasa. Kung bakit tinatanong niya ako niya, kung bakit gusto niyang malaman. Kung ano ba talagang pakay niya. 

Lalong lalong hindi ko alam kung anong laro ba itong nilalaro namin, kung anong kalokahan ba ang lalaruin namin. Kasi one thing is for sure alam kong sa huli ako ang talo kung hindi ako mag-iisip ng naayon sa sitwasyon. 

Gusto kong paganahin muna ang utak ko, lulubusin ko na. Kasi alam ko darating ang araw malilimutan kong may utak pala ako. 

"Do you like me?!!"

He shouted as if may ginawa akong isang bagay at pinapaamin ako sa kasalanang ginawa ko naman talaga. It's as if na pinapaamin niya ang isang taong guilty sa isang krimen. And there's no way na makakatakas ka. It's either you tell the truth or you tell the truth. 

And that left me no choice. 

"OO NA! OO NA! Masaya ka na? And now that you made me tell you the truth, I'll make you fall for me too. Dahil hindi ako makakapayag na ako lang ang magmumukhang t*nga." 

I walked out. For sure he's laughing his a** out now dahil sa kalokohang yun. 

"Oh Kane, anong nangyari? May problema ba."

"Wala manong. Tara na po." 

Mico you'll fall for me, by hook or by crook. You'll fall for me real hard. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon