Chapter 6.4

328K 5.8K 918
                                    

Salamat sa lahat ng nagvote simula PROLOGUE hanggang LATEST CHAPTERS. Sobrang naappreciate ko yun. :)

---------------------------------------------------------

Darn it. Buo na ang desisyon kong hindi magpalit at ayos na ako sa suot ko kaso hinarangan ako ni Cassandra at hindi niya raw ako papalabasin hanggang hindi ako magpapalit ng totoong swimsuit.

Tinry kong makalusot pero dalawa sila ni Karen at hindi ko sila kaya. Kaya napasuot nila ako ng kung anong gusto nilang ipasuot sa akin at ang tanging saplot ay net na damit. 

Sa palagay ko ay hindi rin iyon nakatulong. Kita pa rin ang katawan ko. Mabuti at kahit papaano ay hindi masagwa at nakakasuka ang itsura ko ngayon. 


"Wag ka ngang maarte Kane, nasa beach tayo. Normal lang ang magtwo piece."

Pagkatapos nun ay kinaladkad na nila ako pababa.

Iniwan rin naman nila ako at agad lumusong na sila sa tubig. Nagpaiwan lang ako sa cottage.

Nahagip ko ang busangot na mukha ni Mico. Lalapitan ko sana ito para kulitin pero may bigla namang lalakeng kumausap sa akin.

"Hi. I'm James, Cassandra's friend."

"Kane." maikli kong sagot at nakipag shake hands.

"Ang ganda mo. May boyfriend ka na?" diretsong tanong nito sa akin,

"Magkakaroon palang. Kapag sinagot ko na siya."

Madiing sinabi ni Mico tsaka hinatak ako palayo.

Nang makalayo kami ay sinundot sundot ko ang tagiliran niya at inasar. Sa totoo lang natuwa ako sa ginawa niyang iyon.

"Ayiieeee. Nagseselos siya."

"Stop it. Pwede ba 'wag kang magsuot ng ganyan. Hindi bagay."

"Ases, ayaw mo lang na may lumalapit sa akin eh. Ang sweet."

Hindi na siya umimik at kinakaladkad pa rin ako. Saan naman ako dadalhin nito? Don't tell me sisimulan na naming gagawin ang buong basketball team?
No! Hindi pwede. Di pa ako prepared!

"Ayaw mo talaga magpalit ng damit?"

Tanong nito sa akin. Ayoko nga! Mamaya ay habang nagpapalit ako ay gapangin niya ako. Di ako prepared, gusto ko pang makatapos ng college.

"Hinding hindi!" Madiiing sagot ko.

Nakarating na pala kami sa parking lot. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. Umikot siya at pumasok rin. Pinaandar ito at binuksan ang aircon.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon