Chapter 12.4

240K 3.9K 203
                                    


Humarap ako kay jeje boy.

"Oh ano? Galing mo rin 'no? Anong klaseng payo yun? Feeling mo love guru ka na? Sino na ngayon ang magbabayad sa mga kinain natin? Ikaw?" inis kong sabi.

Medyo nakainom ako kaya iba na rin ang tono ng pananalita ko. Hindi ko alam kung paano ko nadeliver ang mga sinabi ko pero sa palagay ko ay masyadong bitchy ang dating nun.

"Sinabi ko lang ang dapat kong sabihin. Tsaka kanina pa bayad ang bill. Mauuna na ako mukhang sadyang mainit ang ulo ng mga tao."

Nagpaalam na siya.

Nanghiram ako ng pera kay Shane pang taxi atsaka pumunta sa bahay nila.

Nang makarating ako sa harap ng gate ay agad akong nagdoor bell.

Saglit lang akong nag-antay at agad din namang may nagbukas.

"Sino po ang hanap nila?" tanong ng babaeng nakauniform na sa palagay ko ay kasambahay nila. Kaedad ko lang siguro ang babaeng iyon.

"Si Mico, nandyan ba?"

"Ano ka niya?" pang-uusisa niya.

Ako lang ba o sadyang iba rin ang tono ng pananalita niya?

"Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong? Papasukin mo nalang ako at wala akong planong makipagtalo sa'yo. Kay Mico ko balak makipagtalo, hindi sa'yo."

Balita ko ay si Mico at ang kapatid niya lang ang nandito sa ngayon at sa mga susunod na linggo kaya malakas ang loob kong pumasok ng hindi nagaatubili.

Pagpasok ko palang at nakita ko siya agad na nakaupo sa sala. Mukha siyang wasted.

"Bakit ka nandito?"

"Una, ang maldita nung nagbukas ng gate. Paano kung si Kane ang pumunta dito? Pangalawa, ano ang balak mong gawin? Pangatlo, wala lang. Para hindi bitin."

Umupo ako sa sofa na kaharap ng kinauupuan niya.

"Pumunta ka dito para tanungin yan?"

"Bakit hindi?"

Tinaasan ko siya ng kilay pero nakatungo lang siya sa akin. Nababaliw na ba ang lalaking ito?

"Tinatanong kita. May plano ka ba?"

"Ano sa palagay mo?"

Uso ba ang pagsagot ng tanong sa isang tanong? Nakakairita.

"Kaya nga ako nagtatanong para malaman ko hindi para maguluhan lalo."

"Hahanapin ko siya." ang natatangi niyang sagot sa akin.

"Saan? Saan mo siya balak hanapin?"

"Kahit saan."

Oo na makulit ako. Eh sa gusto ko na ulit makita ang bestfriend ko. Masyado na siyang matagal na nawala. Gusto ko na siyang makita.

Gusto ko rin malaman kung kamusta na siya, anong mga pinagkakaabalahan niya, may mga bago ba siyang kaibigan at iba pa.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Hindi."

Minsan nakakawalang pag-asa ang mga sinasagot niya sa akin pero he's Mico, he can find ways.

Yun nalang ang pinanghahawakan ko.

"Paano kung ayaw niyang magpakita sa'yo? Paano mo siya mahahanap?"

"Impusible."

"Anong impusible?"

"Impusibleng hindi ko siya mahahanap. Bakit ba ang kulit niyo? Alam ko nga sabi ang gagawin ko! Stop pestering me!"

"Kailan mo balak magsimula? Simulan yang mga sinasabi mo?! Kung may pera lang ako matagal ko na hinanap si Kane o kinontact manlang! Pero wala eh, hindi naman ako biniyayaan ng pera kaya ang magagawa ko lang ay maghintay." Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Alam mo naman siguro ang number ko hindi ba? Itext mo ako sa mga balak mo. Kung may maitutulong ba ako. Sabihin mo sa akin ang mga bagay kung sa tingin mo ay dapat kong malaman. Umaasa ako Mico na gagawin  mo ang lahat. Sana simulan mo na."

Pagod at inaantok na ako kaya hindi na ako nagtagal pa.

Ang tanging bitbit ko lang ngayon ay pag-asa. Pag-asang magiging ayos na ang lahat.

Pag-asang magiging masaya ulit kami, kaming lahat.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon