Chapter 9.6

302K 4.7K 473
                                    

Forgive the spacing, hindi naman talaga ako dapat makaka-update pero pinilit ko lang. :) Nakamobile lang ako soooo pagtiyagaan niyo po muna ang spacing, aayusin ko nalang kapag nakabalik na ako sa lugar kong sinilangan.

-------

BABALA: Hindi pa po maayos ang spacing (Para sa akin lang naman haha anong malay ko, okay naman sa inyo lol), ipagpaumanhin niyo. Pinilit ko lang po talagang mag Update :)

Inulit ko lang, may iba kasi sa inyong hindi talaga nagbabasa ng A/N :'(

-------

Lumabas ako para sunduin si Reynaldo. Kakaiba. Ang sakit talagang katangahan kung sinu-sinong tinatamaan. Walang pinipiling oras o panahon. Walang pinipiling tao pero sa palagay ko ay suking suki nito si Reynaldo.

Itinulak ko ang pinto dahil mula sa loob PUSH ang nakalagay. Agad kong hinanap si Reynaldo at madali ko naman siyang nakita.

"Reynaldo! Halika na!"

Hinawakan ko siya sa braso at hinila.

"Pero Kane, hindi ba masama itong ginagawa natin? Pumapasok pa rin tayo kahit pull na?"

"Pull ibig sabihin hila. Full, with the F yun ang puno."

"Hindi ba ang full ibig sabihin nun ay stupid? Parang yung mga sinasabi sa movies na 'You full'"

Pinabayaan ko nalang siya. Tatanungin ko nga si mommy kung pwede kong iapply si Reynaldo sa Scholarship program ng company. Para rin naman sa kapakanan ko at niya ito.

Dumating kami sa table. Mabilis ang serving nila dito. Magaling. Gutom na gutom na rin ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis kami at nagswimming pati na rin nagtampisaw sa dagat.

After naman nun ay nag-ayos na kami. Mabilis lang ang takbo ng oras ngayon. Maggagabi na at hindi namin namalayan. Dahil maghahapunan na rin naman at napagod at nagutom kami ay kumain nanaman kami. Tsaka ay dumiretso na kami sa isang bar para siguro magliwaliw. 

Sa unahan pala ng hilera ng seafood restau ay may hilera naman ng mga bars. Natatawa nga ako sa pangalan ng mga ito.

Pinakagilid nandun ang Fudgee BAR. Katabi nito ang Chocolate BAR. Yung isa namam ay BARnuts. Sa katabi naman na isa pa ay BARtillos. At marami pang ibang nakakalokong pangalan ng bars.

"Kaney wait!" pagpigil ni Reynaldo sa akin nang akmang papasok na kami sa loob ng Chocolate BAR.

"One, two, three, four. Apat lang tayo Kaney baka bawal pumasok. No enty below 18 daw oh. Four lang tayo! Kailangan muna ata nating maghanap ng 14 pang kasama bago makapasok."

Imbis na matuwa ako kasi alam niyang 18 - 4 ay 14. Ay hindi ko maiwasang matangahan nanaman sa kanya. Nakakaiyak. Hindi ko maiwasang mapatanong.

Para saan pa ang utak kung hindi rin naman natin gagamitin?

Pero napansin kong may mali rin naman talaga ang sign. Dapat nilagyan nila nang label na yrs old para alam na edad ito. Ay ewan. Leche. Pati ba yan dapat ako pa ang namomroblema?

"Below 18 yrs old ang ibig niyang sabihin." pagpapaliwanag ko. Mukhang gets niya naman, sana.

"Kane!" tawag ni Mico.

"Oo, eto na nga."

Pumasok na kami ni Rey at sa palagay ko ay nagets niya naman ang ibig kong sabihin kanina. Mabuti naman kung ganun.

Nag-order kami nang kanya kanyang makakain at inumin. Lemon juice lang ang inorder ko na drinks. Si Reynaldo naman ay inorder-an ni Mico ng alak. Si Shane ay alcoholic drink din ang inorder.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon