Epilogue

564 15 0
                                    

"WAAHH Adrian!" 

Tiningnan ng masama ni Adrian ang parang linta na si Edward. Nakakapit kasi ito ngayon sa kanyang paa habang nakaluhod.

Dala ang kanyang cellphone ay napailing na lang si Dahlia nang makita ang eksena ng dalawa.

"What's wrong with them?"

"Aba ewan." natatawang sagot ni Dahlia sa kausap niya sa cellphone.

Napalingon si Edward kay Destructive Angel at agad na lumapit dito, "Si Reymond ba iyang kausap mo?!"

Tumango siya at ibinigay ang cellphone sa lalaki.

"Reymond miss na kita!" sigaw ni Edward nang matanggap ang cellphone

Napayuko si Dahlia. It's been a year since umalis ito papuntang Mexico. Isang buwan matapos ang Cosplay Party ay bumiyahe na agad ito paalis. Sa loob ng isang buwan din ay nai-train nito si Lence bilang Code Technique IV na siya ngayong pumropotekta sa kanya. 

Sa isang taon na nawala ang binata ay marami siyang pinagdaanan. Hindi lingid sa kaalalaman ng iba pang PS kung gaano kahirap sa kanya ang unang linggo kaya nagpapasalamat siya sa mga ito dahil hindi siya pinabayaan sa kabila ng kaliwa't kanan nitong mga mission.  Sa ngayon nga ay nagkakasya na muna sila sa Video Calls araw-araw pero hindi pa rin mawala-wala ang lungkot sa kanyang puso.

"Si Adrian kasi eh! Kinuha niyang personal maid si Caress! Kainis!" naka-duck face na reklamo ni Edward.

"Eh ano namang problema roon?"

"Hello?! Trending na kaya iyan. Kilala mo si Shan Cai? Naging katulong siya ni Dao Ming Si, ayun! Nagkatuluyan! Tapos si Chichay? Kilala mo? Naging katulong din ni Joaqin, ayun! Nagkaroon ng best ending ever! Tapos si Caress magiging katulong ni Adrian?! Nasaan ang hustisya dyan?!"

"Eh kung batukan kaya kita?"

"Hindi mo naman—aray naman Dahlia!"

"Salamat mahal ko."

"Anything for you Reymond."

"Pagtulungan daw ba ako?" napakamot ng ulo si Edward pero kalaunan ay napangiti at ibinalik kay Dahlia ang cellphone, "Bro, miss ka na namin. Bye!" 

Ngumiti si Dahlia saka ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone, "Tama siya. Miss ka na namin."

"Jennica huwag mo akong simulan." 

Tumawa ang dalaga at sinabing, "Oo na oo na. Anyway, magjo-jog ako. Sabay tayo?"

"Sure baby."

"Don't call me baby!"

Reymond chuckled. "Yeah right. You're too sexy to be called baby."

"Reymond!" namumulang saway ni Dahlia dahilan para mapaharap sa kanya sina Lil Saint at Christian.

"Hi Ate Dahlia! Hi kuya! Have you seen babe?"

"Ah oo papunta siya roon." sabay itinuro ni Dahlia ang pinuntahan ni Adrian.

"Eh si Edward? Nakita mo?" tanong naman ni Christian.

"Yeah and he's going the same way." sagot ng dalaga.

"Ok thanks." umalis na Christian at pinuntahan ang dinaanan umano ni Edward na sa kamalas-malasan ay dinadaanan din pala ng babaeng si Lil Saint. 

Nang mapansin ni Lil Saint na may sumusunod sa kanya ay agad niya itong hinarap, "Huwag mo nga akong sundan?!"

"Hindi kita sinusundan."

"Shut up!"

"No, you shut up." 

Napahilot na lang ng sentido si Dahlia at nagpatuloy sa paglalakad, "Forever bangayan ba ang peg ng dalawang iyon?"

"Maybe? I don't know. Pareho kasi silang bitter." 

Tumango si Dahlia at tuluyan ng lumabas ng PS HQ. She started to jog habang nakikipagkwentuhan pa rin kay Reymond. Ilang sandali pa ay may kumalabit sa kanya at bumungad ang napakagandang mukha ni Andrea Borres, "Hi Jennica!"

"Hello!" ngumiti siya rito. Noong una ay nagtataka talaga siya kung paanong hindi nagulat ang buong Woodsen Academy nang bigla siyang umattend ng Cosplay Party. Iyon naman pala ay inilihim ang kanyang libing at tanging PS employees lang ang nakakaalam.

"Send my regards  to Oasis!" saad nito saka umalis na rin.

"Talaga bang tinigilan na niya si Oasis?"

"Hindi ko alam Reymond eh but as far as I know, hindi na siya buntot ng buntot kay Oasis gaya noon."

"Pero nasa prospect list mo pa rin ba siya?"

"Yup." nagpatuloy sa pagjog si Dahlia. "Reymond, bumalik ka na."

"Jennica—"

"I'm just kidding!" pinahid niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi, "But really . . . I miss you."

"Mahal ko . . . tsk. I'll call you later. Bye."

"Reymond—" hindi na natapos ni Dahlia ang sasabihin nang babaan siya nito, Inaway ko na naman siya. You're such a badass Dahlia.

***

KANINA pa hinihintay ni Dahlia ang tawag ng kanyang nobyo. Maghahating-gabi nalang kasi ay hindi pa rin ito tumatawag. Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin at nakita kung gaano na kalaki ng kanyang eye bags. Stress sa work at sa boyfriend kaya siguro siya nagkakaganito. Napapikit siya at bumuntung-hininga, "Sana nandito ka."

"Sinong gusto mong nandito?"

"Ay eye bags!" napadilat ang dalaga at aagd na napalingon sa kanyang likuran, "R-reymond? God! Hallucinations!"

"Masyado akong gwapo para sa isang hallucination."

Hindi pa rin gumagalaw ang dalaga.

"Mahal ko I flew all the way here to do this." lumapit siya sa dalaga at ipinulupot ang mga bisig sa maliit na bewang nito, "Jesus! Namamayat ka." just as he thought, naririnig na niya itong sumisinghot. "Don't cry."

"Ikaw kasi eh! Bakit ka dumating?! Umiyak tuloy ako."

"Alam mo ang gulo mo. Haha!"

Hinigpitan ni Dahlia ang yakap sa lalaki, namiss niya ang amoy nito. Isang taon niya itong hindi nahawakan. Hindi siya makapaniwalang kayakap niya ito ngayon, "May trabaho ka pa roon tapos biglang nandito ka? Tapos na ba ang trabaho mo? S-siguro may mga babae ka na roon no? Malamang! Ang gwapo mo kaya! Marami ka ng chicks doon! Marami ka ng tinatawag na 'mahal ko'. Marami na . . . t-tama ba? " litanya ni Jennica habang panay pa rin ang hikbi.

Natatawang napailing ang binata, "My home. My everything. My life. It's you they add up to Jennica. It's only you." sambit ng binata bago sinakop ang labi ng kanyang minamahal.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now