Chapter 7

338K 4.9K 352
                                    

She's Rich, He's Richer : Chapter 7 

~A twisted epic love story...

*****

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa gazebo nung araw bago ang birthday ni Cass ay hindi na kami muling nakapag-usap pa.

Hindi ko alam pero hindi rin ako lumapit sa kanya kahit na gustong gusto kong malaman kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Ayoko umasa sa wala. Mahirap umasa sa wala. Pero it's just a matter of waiting for the right time. Sa tingin ko ay masyado akong nagmamadali. 

Kailangan ko munang icompose ang sarili ko. Hindi ako dapat laging pangunahan ng bugso ng damdamin. Hindi dapat laging puso agad-agad. Dapat dumadaan sa utak. 

Kinabukasan ay kaarawan na ni Cass. Naging masaya naman ito over-all. Pero sa amin ni Mico ay normal lang. Hindi kami nag-usap. Nagkakatinginan at tanguan pero hindi kami nakakapag-usap. 

Parehas siguro naming tinatantsa ang bawat isa. 

Ngayon pabalik na kami. Wala pa ring nangyayari. Wala akong clue. Kahit sa akin ay misteryo ang lahat. Magulo, alam ko. 

Pero lahat ng bagay ay mabibigyang linaw rin. 

May tamang panahon kasi sa lahat ng bagay. 

Madaling araw palang ay umalis na si Mico kaya hindi na kami magkasabay ngayon. Sa Van na ako nakasakay. Medyo masipik pero ayos na at mapagtiyatiyagaan. 

"Hoy Kane, ano bang iniisip mo? Kanina pa nakakunot ang noo mo. Baka gusto mong magshare?"

"Wala ito Karen."

"Iniisip mo ang pinsan ko 'no?" singit ni Cassandra 

"Medyo."

"Ayy. Sabi na nga ba eh. Bayaan mo cousin-in-law, he got everything under his control."

"Ahh kaya pala mabaliw baliw na ang kaibigan ko. Si Mico nanaman pala ang iniisip." 

"It's rude na pag-usapan ako lalo na at nasa gitna niyo lang ako." 

Hindi na rin naman ako kinulit ng dalawa kasi ay dinapuan na rin sila ng antok. Gabi na rin kami nakauwi dahil medyo tinraffic kami sa daan. 

Dalawang araw na akong low batt kaya wala akong mapaglaruan habang nasa byahe. Naiwan ko kasi ang charger. Nang makauwi kami ay agad kong hinanap ang charger at chinarge ito. 

Patayo palang ako para sana maglinis ng katawan nang tumunog ito. Hinayaan ko lang baka naman si Karen lang o si Cassandra. Dumiretso ako sa banyo at nagconcert. Pagkatapos ay nagbihis naman ako agad. 

She's Rich, He's RicherWhere stories live. Discover now