Chapter 36

844 37 23
                                    

NILINGON ng dalagang si Jennica ang kanyang kuya Lence na kita mong tulala rin dahil sa sinabi ni Reymond, tinapik niya ang kanang balikat nito at tinitigan sa mga mata, "Kuya pwede bang mauna ka na lang sa ospital?"

Matinding umiling si Lence at hinila si Jennica palapit sa kanya. Nandidiri niyang tiningnan ang binatang si Reymond mula ulo hanggang paa, "Kaya pala may naaamoy na akong malansa simula nang makilala kita." this time, he cupped Jen's face and looked at her intently, "Hindi kita iiwan sa mamamatay tao na iyan."

Ikinuyom ni Reymond ang kanyang kamao habang nakayuko, hindi niya lubos maisip na babalik na naman pala ang pangungutyang naranasan niya noong sampung taong gulang pa lamang siya. Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi na siya umiiyak, pero masakit pa rin talagang tawagin kang isang mamamatay tao.

Napansin ni Jennica ang galit, poot, at sakit sa mga mata ni Reymond kaya tinabig niya ang kamay ng kanyang kuya Lence at lumapit sa kasintahan, "Kuya, mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero Je—"

"Please?" 

Naiinis na tiningnan ni Lence si Reymond at padabog na pumasok sa kanyang sariling kotse. Madiin niyang isinaksak ang susi habang matalim pa ring nakatingin kay Reymond. Binuhay na niya ang makina at nagsimula nang magmaneho, Pesteng pagmamahal iyan Jennica oh?! Mamamatay tao na nga, ayaw mo pa ring humiwalay?, naiinis niyang isip saka mabilis na pinaharurot ang kotse.

Nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse ni Lence ay nakangiting tiningnan ni Jen si Reymond. Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha nito mula sa pagkakayuko at binigyan ito ng munting halik sa matangos nitong ilong, "Ayan. Okay ka na."

"At paano mo naman nasabi iyan?"

"Ngiting aso ka naman kasi." hinawakan niya ang kanang kamay nito at hinila ang binata papasok sa kotse. Napabuga ng hangin ang dalaga at diretsong nakatingin lamang sa windshield, "Anong ibig sabihin noon Reymond?" 

Paano ko ba ito sisimulan?, tanong ng binata sa kanyang isipan. "Bilang undercover agent, ang layunin namin ay protektahan ang mga taong nasa panganib, tumulong sa mga nangangailangan, at higit sa lahat parusahan ang mga nagkasala." 

They're putting the law in their hand?

"Hindi, mali ang iniisip mo. Hindi namin sinasabi na kami ang batas. Kaya lang may mga tao talaga na ibinenta na ang kanilang kaluluwa sa demonyo, hindi na mapipigilan ang kanilang kasakiman kahit ano pang parusa ang ipataw sa kanila." naalala na naman niya ang ginang na sinubukan niyang patayin noong sampung taong gulang siya. Sa tanang buhay niya ay wala na siyang ibang nakitang mas sasakim pa sa babaeng iyon.

"Eh di parang ganoon na rin iyon diba? Pinapatay niyo sila dahil hindi niyo na sila kayang kontrolin—"

"Bumalik tayo sa unang layunin ng ahensya Jennica." pinutol ni Reymond ang sasabihin ng dalaga at nakatiim ang bagang nilingon ito, "Ang protektahan ang mga taong nasa panganib." 

Ilang segundong hindi umimik si Jennica, tila pilit niyang iniintindi ang ibig sabihin ng binata, "K-kailangan niyo silang patayin para hindi na mapahamak pa ang nakararami? Ganoon ba iyon Reymond?" pilit na pinipigilan ni Jennica na pumiyok, hindi pa rin kasi nagsisink-in sa utak niya na kailangan niyang pumatay ng kapwa tao, "Ang tanong ko ngayon sa iyo, sa inyong lahat. Tama ba iyon?" halos pabulong niyang sabi.

"Oo." matigas na tugon ng binata. "Hindi mo alam Jennica kung gaano sila kasakim. Ang papatayin mo ay isang demonyo. Kahit ang mga anghel sa langit ay pumapatay para sa sangkatauhan, para sa atin. Ganoon din ang adhikain ng PS."

Nanlambot ang ekspresyon ng dalaga nang makitang may tumulong butil ng luha sa kaliwang mata ng binata. Niyakap niya ito at pilit na pinapatahan.

Naaalala na naman niya kung paano niya halos mapatay ang ginang, "Jennica isa siyang ina, ina na walang puso. Lahat ng kanyang anak ay walang awa niyang pinagpipiraso, sinunog, at kinain."

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now