Chapter 2.8

423K 6.5K 1K
                                    

Napatulala ako sa sinabi niya. I look crazy daw but at the same time cute. Grabe lang hindi ko alam kung anong irereact ko. Nalunok ko ata yung dila ko, I'm out of words. 

Totoo nga ang sabi nila.

When you're in front of someone you like/love, you'll lost your senses because it's the time where your heart is the only thing that functions. The mind loses it's ability to control when the heart starts to speak for you.  

In short para pang masa, tagalogin natin. Kapag ang puso gumana, nawawalan ng saysay ang utak!

Literally, kalokohan yan syempre kung hindi nagfafunction ang utak ko malamang patay na ako. Kaya congratulations kung buhay ka pa hanggang ngayon, confirmed may utak ka. Paganahin mo lang neh. 

Pero logically, it's true. I lost all my senses, yung sense of sight ko hindi ko macontrol kasi siya lang ang nakikita ko and the rest parang malabo na. 20-20 naman ang paningin ko. Sense of hearing, wala akong marinig kundi yung mabilis lang na tibok ng puso ko. Basta lahat parang nagmamalfunction, yung utak ko nabablanko. Ayan na nga hindi ko maisip kung ano ba ang sasabihin ko. At ang gulo na ng pinagsasabi ko dito sa sarili kong utak. 

"Kane! Kane!"

Finally someone woke me up from this absurd state of feeling. Thanks to Chiara. 

"Kanina pa kita tinatawag. Kanina ka pa din pinapaupo ni ma'am Karumaldumal at ikaw nalang nakatayo. Magsisimula na ang quiz." pabulong ngunit pasigaw na sabi niya.

I looked around. Confirmed, ako na nga lang ang nakatayo. Nakakahiya, all eyes are staring at me but not Mico. 

Kita mo nga naman ang buhay kung sino pa ang gusto mong tumingin sa'yo siya pang hindi ka makita kita. Para bang sa nabasa ko nakaraan, 'Minsang natingnan pero hindi natitigan' 

Kilig vibes na nung simula eh pero wala din nung kahuli hulihan.

"Get one whole sheet of paper. Number if from 1 to 100."

"Ma'am naman eh!"

"Make it 200. Isa pang reklamo, I'll make it 500 marami akong reserba dito."

ma'am Karumaldumal talaga oh karumaldumal din ang pinapagawa sa amin. Kahit na wala naman akong bangs, ang sakit pa din sa bangs nitong 200 item quiz niya na dictation. Ganun kalupit si ma'am. 

Dahil medyo bobo ako sa pag-ibig dapat magaling ako sa academics kasi nakakahiya na kung bobo din ako dun. Wala na talaga akong kwenta. 

"Number one......." bla bla bla

Sagot lang ako ng sagot at minsang napapasulyap kay Mico. Syempre inspirasyon din ang makita ang crush/like mo. Baka nga mas marami pa akong maisagot kasi inspired ako at nasusulyapan ko si Mico. 

She's Rich, He's RicherWhere stories live. Discover now