Chapter 28

798 43 18
                                    

HALOS maduling na si Christian sa kakasunod ng tingin kay Jennica. She's pacing back and forth habang naka-crossed arms, "Madali lang naman ang pinapagawa ko." hinaing niya rito saka nagkamot ng batok, "Anong mahirap sa—"

"Don't say it!" halos takpan na ni Jennica ang bibig ng binata, "I'm still thinking. You know, the consequences and all."

Kung habit lang talaga ni Christian ang paikutin ang mata ay kanina pa sana niya ginawa iyon, "Look. You said you want to help him? And you'll do whatever it takes just to ease his pain?"

"I said that?" natatawang saad ng dalaga. "Well, seriously, you're asking for too much."

Christian just shrugged at kinuha ang mansanas na nasa kanyang fruit tray saka kinagat ito. Dinala niya ang dalaga sa sarili niyang unit para pag-usapan ang 'tulong' na gagawin nila para sa kaibigang si Reymond. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ayaw iyong gawin ng babae. 

"I just can't simply . . . do it." pag-amin ng dalaga. "I don't want to deceive him and most importantly, I'm not like her. In fact, I'm far from being her. I am only Jennica and she is . . . she is . . . "

Napataas ang kilay ni Christian na parang sinasabing, 'she-is-what?'.

Nag-iwas ng tingin ang dalaga bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "She is your highly praised Priestess Stone. She is someone who can almost do everything. She is beautiful. She can sing. She can dance. She is your leader. She is strong. She's the woman he loves."

Napakamot ng ulo si Christian, "Kaya nga gagawin natin ito eh. And you don't need those characters to make him fall for you."

Napaface-palm na lamang si Jennica, "I said don't say it."

"Haha! Sorry."

"But that's ridiculous. Of course I need those characters to make him fall for me. I can't attract him in my own charm."

Napa-smirk ng matindi si Christian at sinabing, "Can't attract? How about those times na nasa CCTV Unit ako at nakita ko kayong dalawa sa elevator na nag . . . " mas lalong lumawak ang ngiti niya nang makitang nanlaki ang mga mata ng dalaga, " . . . hmmnnn . . . tapos noong papasok na sana ako ng Training Unit kaya lang hindi na ako tumuloy kasi may nangyayaring—"

"Shut up!" namumulang sigaw ni Jennica. She admits na may point ang binata, "Sa elevator, we did it kasi ang ingay ko raw. Tapos iyong sa Training Unit kasi . . . kasi . . . w-we missed each other. No biggie." nabubulol niyang pag-amin.

"Bingo! So . . . are you in or not?"

Ano pa nga ba?

***

NAGSALUBONG ang kilay ni Reymond nang maramdaman niyang may nagpo-poke sa kanyang pisngi, "Unnhh . . . " hinaing niya saka pilit na inaalis ang kamay.

"Reymond gising!"

Hindi gumalaw ang binata.

"Good morning handsome . . . " pa-sweet na bati ni Jennica sa binata. Ngayon na kasi niya sisismulan ang kanilang plano. She kissed his nose, " . . . bangon ka na . . . " then she gave a smack in his lips without the feeling of awkwardness, ilang beses na nga ba silang naghalikan kaya parang wala na lang ito sa kanya, " . . . please?"

Bahagyang iminulat ng binata ang kanyang mata, "That's so sweet of you. May hihilingin ka ba?"

Nagpapa-cute na nagpout si Jennica, Bwisit ka. Ginagawa ko ito para sa iyo., "Ganoon ba ako ka-mean sa iyo? Nagiging sweet lang kapag may hinihingi?"

Ngumiti lamang ang binata saka napailing, "Eh anong nakain mo?"

"Hindi pa nga ako kumakain eh."

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now