Profiles (II)

611 20 1
                                    

"Reymond? Yuhoo?" tawag ng dalaga sa binata saka iwinagayway pa ang mga kamay sa tapat ng mukha nito. Bigla na lang kasi itong natulala matapos tingnan ang maskarang itinuro niya, "Is there something wrong?"

Tinabig lamang ng binata ang mga kamay ng dalaga, "Nothing." He smiled then said, "Saka na muna ang maskarang 'yan, ito muna." Sabay turo sa isang dark pink na maskara.

"Oh yeah, that one. I suppose babae ang may-ari niyan?"

"No."

"No?"

"Yeah." Lumapit ang binata sa maskara at hinagod ito, "This is owned by the Code Gentle. Si Nigel Santos, the Gentle Stone. Special Skills are inventing weird gadgets na gagamitin niya sa mga kalaban niya. What makes it weird is that those gadgets were not meant to hurt his opponents."

"What?" Nagkamot ng pisngi si Jennica, "Ang gulo mo!"

"Si Nigel ang magulo at hindi ako. Ewan ko ba sa kanya, hindi niya kayang manuntok o magpaputok ng baril. He's not afraid, I assure you that, ayaw niya lang talaga ng karahasan. He says, pwede namang patumbahin ang isang tao kahit hindi mo ito sinasaktan. It's his way, iyan ang prinsipyo niya."

"A, kaya pala tinawag siyang Gentle Stone. E, bakit fuchsia pink 'yong mask niya? Parang, err, girly."

Ngumiti si Reymond, "Hindi mo ba alam na originally, ang kulay na sumisimbolo sa babae ay asul at ang kulay naman ng lalaki ay pink? But something happened in our history, kaya ayon. Nagulo," talumpati ng binata.

"Are you kidding me?"

"Hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala. Pansin mo naman siguro 'di ba na iba ang appeal ng lalaki kapag nagsusuot siya ng kulay pink? Hindi bakla o masagwa sa mata. Did you get my point?"

Napaawang sandali ang bibig ng dalaga saka muli itong sinara.

"Next," sambit ng binata saka itinuro ang isang kahel na maskara, "That Orange Mask is owned by our very own Code Comedy. Sa henerasyon namin si Edward Maures, Comedy stone, ang nagmamay-ari niyan. His edge is that he can use any weapon in the world kahit nakablind-fold. Kaya niyang mabuhay ng ilang taon ng nakablind-fold."

Saglit na napaatras si Jennica, "Oh, no. I won't believe you this time."

Nagkibit-balikat ang binata, "Fine. Pero nakakaya niya iyon dahil sa ginawa niyang masinsinang training. Nabulag kasi siya noong limang taong gulang pa lang siya at pursigido talaga siyang maging agent that's why he trained himself to fight and live like a blind man. Then he succeeded. His personality? Obviously, a joker. A person who loves attention. That's Edward." Sa pagkakataong ito ay napasulyap si Reymond sa mukha ng dalaga. He can't help but admire the amusement in her eyes. Natutuwa siya sa ipinapakita nitong emosyon. Sa totoo lang, hindi niya kailanman nakitaan ng ganyang emosyon si Daisy. Daisy has this cold stare na ipinupukol nito palagi sa kanila, maliban kay Martin. Aminin man kasi niya o hindi, may espesyal talaga sa bawat pagtitig ng dalagang si Daisy sa nobyo nito.

"Hey, Reymond! Kanina pa kita tinatanong."

Naputol ang pag-iisip ng binata nang marinig ang tawag ng dalaga, "W-what was that?"

"Hindi ka naman nakikinig, e. Ewan ko sa 'yo. Ang sabi ko po, kanino po ang abong maskara na 'yan po? At bakit po sa lahat po ng maskara po, e siya lang ang lifeless. I mean, what's with gray? Pwede namang green na lang o yellow orange? 'Di ba?"

Natatawang sumagot si Reymond, "Kung makapanlait ka."

"I'm just stating my opinion."

"That mask, the gray one, is owned by the Code Silent, by Adrian Canley, by Silent Stone. Kung bakit Gray? Aba ewan. Pfft-findi ko alam. Tanungin mo kaya siya?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon