PROLOGUE

2.6K 84 20
                                    

Araw-Araw tuwing dapithapon narito ako sa lugar na paborito nating tambayan noon.

Panahon ng kamusmusan, panahon ng walang alam kundi maglaro.....at panahong natuto akong magmahal.

Lugar kung saan sabay tayong nangarap, lugar kung saan itinago ko sa iyo ang lahat dahil ayaw kong kamuhian mo ako.

Kaya ang lahat ng iyon ay isinulat ko na lamang kasabay ng mga pangako sa aking pamilya, sa aking sarili at saiyo.

Gusto mo man itong malaman ay hindi ako handa.....masyado pa tayong mga bata....kaya tayo ay nangako sa isat isa na sabay nating aalamin ang pangako sa isat isat sa takdang panahon kung saan tayo ay mas higit nang nakakaintindi at nakakaunawa ng mga bagay- bagay.

Sana sa pagdating ng panahong iyon ay maintindihan at maunawaan mo ako.

Ngunit dumating na ang takdang panahon at lumipas na ang napakaraming taon.....hindi ka dumating.

Pero ganun pa man mananatili ako sa aking pangako.

------------------------------------------------------

Hello dear readers, muli pala akong nagpapasalamat sa ibinigay ninyong suporta sa story ko na IWTYF.

Kaya para po sa inyo ulit itong story na ito.

Sana magustuhan ninyo rin. Still diko pa po alam if ilang chapters ito. Pero promise diko pahahabain hehehe. Depende pa din siguro flow ng story.

Sa mga nagrequest ng sequel ng IWTYF.....saka na po muna. Hayaan po muna nating masaya sila sa huling bahagi ng story.

xristianbryan25

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now