Siomai

1.1K 42 5
                                    

Hindi maiwasang magtaka ni Jennica kung bakit first day na first day ay may event na. Nandito sa AVR ang lahat ng mag-aaral ng Woodsen Academy at malapit na siyang mainis kasi tili nang tili ang mga katabi niya.

"Makikita ko na naman sila!"

"I bought a very expensive pabango for them from Paris. I hope they'll like it! I'm gonna shout to death if they'll accept it!"

"Bumili rin ako ng napaka-furry na lion's coat from Africa. I'm sure bagay na bagay 'yon sa kanila-"

"Gosh girl, hindi ba iyon illegal?"

"Ano ba girl? Hindi naman ako ang pumatay at nag-shave sa lion, e."

"You have a point, girl."

Sino bang pinag-uusa-, natigilan si Jennica sa kaniyang iniisip. Para kasing may kutob na siya kung sino or rather sinu-sino ang paksa ng mga ito.

Mga ilang sandali pa ay tumapak na sa entablado ang master of ceremony at binati ang kaniyang mga audience, "Ladies and gentlemen! Welcome to the 53rd Annual Acquaintance Party of Woodsen Academy!"

Everyone cheered except for Jennica, of course, hindi niya inaakalang makikita na niya ang grupo ng mga lalaking kabataan which are sought-after, idolized, and praised by many; ang Philosopher Stones.Ang mga binata ay mayroong Fans Club sa kaniyang pinanggalingang paaralan, ang STOHS, at halos lahat yata ng paaralang alam niya ay mayroon din ngunit ang kaibahan nga lang ng STOHS ay may itinatag din itong PS Haters Club sa pangunguna ng kaniyang bestfriend na si Rannieka Joveta. Hindi man siya myembro ng haters club o ng fans club, hindi maipagkakailang interesado pa rin siyang makita sa personal ang mga ito.

"And now to formally start this program, let us now call on our guests of honor. No other than... the Philosopher Stones!"

Unang pumasok ang isang black-haired chinito na may pamatay na ngiti. Semi-formal ang get-up ng binata with the tuxedo na may puting shirt sa ilalim. Bumagay din dito ang red fit short pants at isang red & white Vans shoes. Kinagat pa nito ang mapupulang labi na siyang mas ikinabaliw ng mga fans. Nang makarating ito sa gitna ay inabot nito ang mikropono mula sa floor director at nagsalita, "Hey there! I'm Christian John Quirol, the Courtship Stone of PS."

Rinig ang tilian ng mga babae sa buong AVR.

Courtship Stone?, pilit na inaalala ni Jennica kung bakit ito binigyan ng ganyang titulo. A, tama! Kasi isa siyang "manliligaw expert" and oh well, isang Casanova by heart. Infairness, gwapo siya., napataas ang kilay ni Jennica nang pakiramdam niyang tinititigan siya ng binata, Oh, no no, loverboy. I will never be your prey. You wish., saka niya ito inirapan.

Christian's mouth fell open. Hindi siya makapaniwalang inirapan lang siya ng hot transferee.

Ang mga sumunod na pumasok ay tatlong binatang mapuputi ngunit talagang angat ang kaputian ng nasa gitna kahit halatang marami siyang abo sa mukha na pilit niyang tinatanggal. Para kang nakaharap sa isang demi-god na anak ni Apollo, the god of sun.

Ang nasa kanan ay isang blonde-haired guy na sobrang cute. Napakababy-faced niya kasi at hindi mo aakalaing high school student na siya, mas nagmumukha kasi siyang grade 5 heartthrob prince.

Ang nasa kaliwa naman ay isang poker-faced hottie, titig pa lang kikiligin ka na pero parang wala naman siyang pakialam sa nangyayari sa paligid. Naghikab pa ito at kinusot-kusot ang mga mata. Mukha siyang bagot na bagot. Isang bagot na bagot na gwapo.

Kinuha ng lalaking nasa gitna ang mikropono at nagsalita, "Hello po! Sorry po kung medyo marumi po ang mukha ko, may ginawa po kasi akong kabutihan para sa sangkatauhan. Nagsunog po ako ng con-" mabilis pa sa alas kwatro na tinakpan ng dalawa ang bibig niya at tiningnan siya nang masama.

Napangiwi si Jennica sa ingay. Tumili kasi ang mga kababaihan nang makita ang ginagawa ng tatlo.

"A, e, " pagpapatuloy ng binatang mukhang demi-god na anak ni Apollo nang bitawan na siya ng dalawa, "As usual po, ako ang magsasalita para sa aming tatlo, masyado po kasing mahiyain ang mga kaibigan kong 'to. Ako nga po pala si James Moncieller, the White Stone. Sa kanan ko po ay si James Cabaron at opo magkatukayo po kami, the Cute Stone. Sa kaliwa ko naman po ay si Adrian Canley, the Silent Stone. Iyon lang po at salamat."

Jennica rolled her eyes, wondering kung bakit pati ang mga tunay na lalaki ay nakikitili at nakikisigaw.

Umeksena naman bigla ang emcee, "Okay people, let's cut it here. We have to honor our school's tradition. Our last honorable 5 PS members are going to choose one girl. Ang babaeng iyon ay ang maswerteng makakatapak sa entabladong ito. " Lumabas ang limang nagagwapuhang binata mula sa backstage. Lalong hindi magkamayaw ang mga fans, "At siya rin ang mabibigyan ng prebilihiyo para ipakilala ang lima pang PS and wait! There's more! She will have an exclusive tour to the most prestigious PS Bunkhouse!"

"Bro," tawag ni Oasis kay Reymond, "Ikaw na pumili."

Tumango si Reymond at napangiti. Bumaba na nga siya at tumungo sa kanyang prospect lucky girl.

Nanlaki ang mga mata ni Jennica nang ilahad ng gwapong nilalang ang kamay nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Napatitig na rin siya sa kayumangging mga mata nito. Sa malapitang obserbasyon ay kapansin-pansin ang matangos na ilong nito at ang mga labing mapupula na ngayon ay maamong nakangiti sa kanya.

Panay lamang ang ngiti ni Reymond habang hinihintay na kunin ng dalaga ang kaniyang inilahad na kamay. Habang nakatitig sa mga mata ng dalaga ay may naramdaman siyang pamilyar. Parang may kung ano sa mga mata ng dalaga na naramdaman na niya noon. Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo at inisip, You're overthinking Reymond.

Napailing din ang dalaga, Ano bang pinag-iisip mo Jennica? No boys! No boys! Study muna! Tama! Think of dad! Err..., napatingin ulit siya sa gwapong nilalang na kanyang kaharap, Mukha siyang, uh. Think Jennica , uh, mukha siyang ulam-masarap., Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip. Ang turo sa kanya ng ina ay kung may gusto siyang iwasang tao pero hindi niya magawang layuan ay isipin niyang isa itong ulam, ulam na sobrang ayaw niya.

"Miss?" pukaw ng binata sa dalaga.

Ngayon lang susundin ng dalaga ang payo ng ina. Err, ano bang ulam na ayaw ko? Uh., tila ba may umilaw na bumbilya sa kaniyang utak nang maalala ang nakain nila ng daddy niya noong nakaraang linggo, T-tama!

Napabuntong-hininga na lamang ang binata nang hindi pa rin gumagalaw ang dalaga. Ibinaba na niya ang kanyang kamay at sinabing, "I guess you just refused me," muli niyang nginitian ang dalaga at tumalikod

"Siomai..."

Natigilan si Reymond nang marinig ang bulong na iyon. Sa kabila ng ingay ay narinig niya 'yon.

"Isa kang siomai."

This time, muling napalingon ang lalaki sa dalaga, "Pardon?"

Kinagat ng dalaga ang pang-ibabang labi upang pigilan ang hagikhik, "Monsieur, what I said is, I'm sorry for keeping you waiting." Kinuha ng dalaga ang kamay ng binata at lumapit dito, "Siomai."

Napabuka ang bibig ni Reymond pero agad din niya itong sinara, What the hell is wrong with this woman?, Muli niya itong pinasadahan ng tingin bago ibinaling ang mga mata sa entablado.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora