CHAPTER 77

1K 20 0
                                    

Chapter 77: Acceptance

“CARE to share with me what’s on your mind, baby?” Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Masyadong occupied ang utak ko at parang dinadala ako sa ibang dimension ng mundo.

Tumabi siya nang upo sa akin at hinalikan ako sa balikat bago sa pisngi ko, pataas pa sa sentido ko. Naglalambing na naman siya kapag ganito ang inaasta niya.

Nasa playroom kami at busy ang triplets namin sa paglalaro. Kauuwi lang namin ni Miko mula hospital.  Hinatid na muna namin si Dalia sa mansion nila at nakauwi naman si Zavein, kasama ang dalawang bata. Naabutan pa namin na kumakain ng ice cream.

Umiiyak pa nga ito nang sinalubong ako at humingi nang paumanhin sa akin dahil sa pagtatago niya ng katotohanan. I don’t want to blame him. Takot lang siya na mapahamak si Dalia at ang baby nito. Sana rin ay mag-sorry siya kay Dalia.

Binagabag pa rin kasi ako sa mga nalaman ko kani-kanina lang. Pinakiusapan ko na si Zavein na mag-share naman siya sa nangyayari sa buhay ni Dalia. Grabe ang pag-alala ko nang malaman kong minsan na siyang nakunan. Tapos may hika pa siya. Ewan ko lang kung gugustuhin niya ang ceasarean at hindi manganak ng normal. Mapipilit pa rin namin siya. Sana nga lang.

Humilig ako sa dibdib ni Miko at niyakap niya ako. Ilang beses niyang hinalikan ang ulo ko pababa sa tungki ng aking ilong. Sininghot ko naman ang amoy niya. Isa ito sa paborito kong ginagawa.

“Bisitahin natin si Archimedes bukas, Miko,” sambit ko.

“Why?” he asked.

“Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari kay Dalia at sa nawala nilang anak,” I answered. Makikipagkuwentuhan ako sa isang iyon na kung gaano kaapektado si Dalia sa ginagawa niya.

“Okay. Pero huwag mo namang i-stress ang sarili mo, Jean. Mas apektado ka pa kaysa kay Dalia,” aniya at pinisil ang pisngi ko.

“Alam mo naman na nag-breakdown si Dalia kanina, eh. Ano’ng hindi siya apektado?” ani ko at tumango siya.

“Okay, tomorrow. By the way, may ibibigay ako sa ’yo,” sabi naman niya. May hinugot siya sa bulsa niya at hindi ko tinanggal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Masarap sa pandinig ang heartbeat niya at nagiging kalmado ako. Pinanood ko lang siya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at naramdaman kong may dumulas sa daliri ko kaya tiningnan ko iyon.

Namilog ang mga mata ko sa nakita. “M-Miko...” Napaayos pa ako nang upo upang makita iyon nang maayos.

“I tried to fix this ring. Wala akong binago, ito rin ang dating singsing na ibinigay ko sa iyo. Inayos ko lang ang sira niya para kaya pang isuot sa daliri mo. Kasya pa ba?” Tumango ako at hinawakan ko iyon. Tama siya na walang binago dahil ganito pa rin ang hitsura nito. Napaluha ako dahil siya ang sumira ngunit pinaayos pa rin niya. Dapat lang na siya ang mag-ayos nito kasi siya nga ang sumira.

“I-Ikaw ang umasyos nito?” tanong ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

“Nagpaturo lang ako kung paano mag-ayos ng sirang singsing. Hindi pala ganoon kadali pero naayos ko naman siya. Isa akong engineer kaya dapat kaya ko ring mag-ayos nito. Malaki ang pagsisisi ko dahil sa ginawa ko. Hindi mo na kailangan pang itago ’yan sa locket mo. Puwede mo nang suotin para araw-araw kong malaman na kung gaano mo ako kamahal.” Inikutan ko siya ng mga mata. Natatawang hinalikan niya niya lang ang mga labi ko. “I am sorry again, baby,” he said. I nodded.

“Wala na ’yon, kalimutan na lang natin iyon, baby. The important is masaya na tayo,” sabi ko at hinalikan ko siya sa gilid ng labi niya. Nagulat naman ako nang may humila sa bestida ko. Si Shynara lang pala. Pinaghiwalay kami nito ng daddy niya at umupa sa gitna namin saka niya hinaplos ang umbok kong tiyan.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon