CHAPTER 12

1K 20 0
                                    

Chapter 12: The Bridge

NABITAWAN ko ang spoon ko sa gulat, nahulog nga lang ito sa plate ko. Dahil hindi ko nga namalayan ang pagpasok niya. Kaya naman pala parang may nararamdaman din ako kanina na may nanonood nga sa akin. Masyado lang akong busy sa ginagawa ko at hindi ko na siya napansin pa.

Pero dahil alam kong nasa loob na siya ng studio ko ay nararamdaman ko na nga ulit ang mabigat na presensiya niya.

“D-Dati ka bang magnanakaw sa past life mo, ha? Hindi ka ba marunong kumatok man lang?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Wew, speaking of ‘hindi marunong kumatok’ ay naaalala ko tuloy ang mga kuya ko,” naaaliw na sambit niya.

“Bad manners iyon. Matuto kang kumatok. Ano ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa hospital ka pa?” nagtataka kong tanong sa kanya. Sa ganitong oras ay dapat wala pa siya sa bahay. Sabay nga sila kung umuwi ng nakatatanda kong kapatid.

“Binigyan ako ng break ng doctor ko kaya naisipan kong umuwi. Isa pa may narinig ako kanina,” paliwanag niya.

“At ano naman ang narinig mo, aber?” tanong ko pa sa kanya.

“Kapag may nagtatampo na isang tao ay hindi ba dapat suyuin mo siya? Hindi naman talaga nag-iinarte ang taong iyon, sadyang nagtatampo lang siya at naghihintay na suyuin pero mukhang siya pa ang makikipagbati sa halip na gawin din nito ang advice nito kanina,” mahabang saad niya at napahawak ako sa batok ko. Parang pamilyar sa akin ang sinabi niya.

“Nakikinig ka ba sa station ko, Engineer Miko?” malamig na tanong ko sa kanya. Kasi ako na yata ang pinaparinggan niya.

Naramdaman ko ang mahinang kalampag sa table kasi alam kong itinukod niya roon ang dalawang siko niya na parang nangalumbaba rin siya at nasa akin na ang kanyang buong atensyon.

“Sounds sexy kung ikaw ang tumatawag no’n sa akin, Miss,” sabi niya. I heaved a sigh.

“Alam mo, gutom lang ’yan kaya kukuha na muna ako ng plate para sa ’yo,” sambit ko at saka ako tumayo para kumuha ng isa pang plato para sa kanya. Nagsandok na rin ako ng kanin at bumalik din ako sa table.

Ibibigay ko na sana iyon kay Miko nang mapansin kong wala na ang kinakain ko kanina. Pati ang plato ko ay kinuha niya rin.

“Ang sarap ng luto ni Zedian, ah.”

“Woy, akin naman iyang kinakain mo, ah,” sita ko sa kanya dahil basta na lamang niyang kinuha ang pagkain ko. Eh, may laway ko na kaya iyon! Pati yata ang kutsara ko ay kinuha niya rin.

“Miss, gutom na talaga kasi ako, eh. Parehong pagkain lang naman ang kukunin mo.”

“Pero bakit mo naman kinuha at kinain pa, eh kinakain ko na nga iyan. Kinuha mo pa ang spo—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang bigla niya akong subuan ng kanin na may chicken curry.

Hinawakan ko pa ang gilid ng labi ko dahil nalagyan din iyon ng sauce. Wala na akong choice pa kundi ang inguya iyon dahil masasayang pa kapag iniisip ko na may laway na niya iyon. Hindi naman ako nandidiri sa kanya, ha.

“Nagkainan na tayo, ’di ba?” Nagpanting ang tainga ko sa narinig.

“Ano kamo? Ano’ng nagkainan?”

“Wala, kumain ka na lang diyan,” pag-iiba niya ng topic at sumunod naman ako but I can feel his eyes.

“Miko, stop it will you?”

“Ha? What did I do?”

“Kanina ka pa nakatitig sa akin, eh,” sagot ko sa kanya at humagalpak na naman siya nang tawa.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now