CHAPTER 3

1.4K 36 0
                                    

Chapter 3: His fate

I DON'T know why I feel this way. As if something is going to happen, something is really wrong. I just don’t know what that is. I am not like this when I go to another place just because of my work.

Kaya hinabilin ko na lang kay Kuya Markus na huwag niyang pababayaan si Mikael. Na sana protektahan naman niya ito habang wala ako. Hindi ko kasi mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak siya. Ako ang kuya niya kaya dapat ko lang siyang ipagtanggol.

Kaya naman niya ang sarili niya pero babae pa rin siya at alam kong malambot din ang puso no’n. Sa akin nga lang siya kumukuha nang lakas ng loob.

Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto kong huwag na lang tumuloy at sumunod na lang ako sa sinabi ng nakatatandang kapatid ko pero hindi ko na lang din pinansin pa iyon. Para rin naman ito sa bunso namin. Para matuto naman siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Wala namang nangyari na kakaiba pagdating ko sa port, na patungo Palawan. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Bumaba ako mula sa kotse ko at nagtipa ako sa keyboard para tawagan sana si Kuya Markus pero may bigla na lamang ang humampas sa batok ko.

Halos mawalan ako nang malay dahil sa tindi ng kirot nang pagkakapalo sa akin. Bumagsak din ako sa sahig. Nagsimula ng mandilim ang paningin ko hanggang sa hindi ko na nga nakayanan pa ay tuluyan akong kinain ng kadiliman.

Hindi lang naman iyon ang nangyari sa akin dahil nang nagising ako ay matindi rin ang sinapit ko sa mga kamay ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha. Hindi ko sila kilala at mas mahirap din silang kilalanin dahil sa mga ayos nila.

Ilang beses nila akong binugbog at ang binti ko mismo ang pinuntirya nila. Pakiramdam ko ay may nabaling buto sa kanang paa ko. Tinigilan lang nila ang pananakit sa akin nang makita na hinang-hina na ako at wala na ring lakas pa upang lumaban.

Naramdaman ko lang na pabagsak nila akong inilapag sa isang basurahan. Umaalingawngaw ang malansang amoy nito. Mabigat ang talukap ng mga mata ko at sa pamamanhid ng katawan ko ay nagawa kong gumapang.

Akala ko ay katapusan ko na sa mga oras na iyon pero may naanigan pa rin ako na maliit na liwanag kaya ginawa ko ang lahat. Gumapang ako kahit nahihirapan pa rin ako.

“H-Help! H-Help me...” I uttered at nagawa ko ring tumayo saka ko pinara ang isang sasakyan na palapit sa direction ko.

Hindi na rin ako sigurado pa kung sila pa rin ang mga taong iniwan na lamang ako sa lugar na ito pero nag-take pa rin ako ng risk. Baka kasi hindi rin. Hanggang sa huminto na nga ito at doon lang ako natumba.

Mayamaya lang ay narinig ko ang maliit na boses ng isang babae. Honestly speaking ay kanina pa talaga sila nagsasalita pero halos hindi ko na sila marinig pa.

Stay away from him, Jean!” narinig kong sigaw nito at sunod-sunod na yapak din ang lumalapit sa akin.

Jean! Get inside!

Jean! This might just be a trap!

No, Kuya... He needs our help!” Naramdaman ko lang na may nag-angat sa ulo ko at pinahiga ako nito sa hita niya. Malambot ang palad nito nang dumapo sa pisngi ko. Nalalanghap ko rin ang mabangong halimuyak nito.

Donna Jean! Bakit ang tigas ng ulo mo?!

Jean, come on! I-report na lang natin iyan sa pulis!

Kuya, may sugat po siya... T-Tulungan ninyo na lang po siya!” sigaw nito. Hindi ko alam kung bakit ganito siya, na gusto pa rin niya akong iligtas.

Kung sa bagay ay naiintindihan ko ang mga taong kasama niya ngayon. Nakikita nila na hindi maganda ang kalagayan ko at punong-puno pa ng dugo sa katawan maging sa mukha ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon