CHAPTER 70

2.1K 43 7
                                    

Chapter 70: Safe

“U-UMALIS na tayo rito, Miko,” sambit ko dahil palapit nang palapit ang mga yabag sa aming direksyon. Gusto ko na talagang makaalis dito ngayong nandito na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nang maglakad ako ay napansin niya na paika-ika ang paglalakad ko. Binuhat na lamang niya ako at isinakay sa motor niya. Hinubad niya ang jacket niya para ilagay iyon sa balikat ko. Iyong helmet naman ang sunod niyang isinuot sa akin bago siya sumakay.

“Kumapit ka nang mahigpit sa akin, Kalla. Please, huwag kang bumitaw.” Tumango ako. Dinala niya sa baywang niya ang dalawang braso ko at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya.

Kahit nandito na si Miko ay hindi man lang nawala ang kaba sa aking dibdib. May takot pa rin ako. Paano kung hindi kami makaaaalis dito ng ligtas? Paano kung mahabol kami ng mga tauhan ni Archimedes? Natitiyak kong ibabalik niya ako sa bahay namin tapos sasaktan niya si Miko.

“T-Tara na, Miko... Tara na, please...”

“Okay, okay, baby. Just calm down, please... Hindi kita pababayaan. Mas lalong hindi na kita ibibigay pa sa kanya,” matigas ang boses na saad niya. Pinaharurot na rin niya ang motor niya. Masyado itong mataas kaya halos wala na rin akong naapakan pa. Na isa pa ay masakit pa ang mga paa ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at muli akong nanalangin na sana ay makaalis na kami nang ligtas dito. Hindi na muna ako nag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa maramdaman ko ang paghinto ng motor ni Miko at nang dumilat ako ay nanlambot lang ang puso ko sa nakita.

Pinapalibutan kami ng maraming tauhan at security guards ng isang subdivision. Maliwanag sa paligid dahil na rin sa mga ilaw mula sa poste at sa mga nakaparadang kotse. Armado silang lahat at may suot na uniporme. Alerto sa paligid na parang handa rin na sumabak sa digmaan.

May anim na matatangkad at guwapong lalaki ang lumapit sa amin. Malaki ang pagkakahawig nila kay Miko at nang maramdaman ko ang pamilyar na presensiya nila ay roon pa lang ay nakilala ko na sila.

Isang lalaki ang naglahad ng kamay sa akin at hindi ako nag-alinlangan na tanggapin iyon saka niya ako binuhat para makababa mula sa motor. Maingat nitong tinanggal ang helmet sa ulo ko.

“Jean.” Boses iyon ni Kuya Markus. Tandang-tanda ko pa ang kanyang boses.

“K-Kuya Markus...” Napangiti siya.

“I’m glad that you still recognize my voice kahit na hindi mo pa nakita ang mukha ko noon.” Binigyan ako nito nang isang magaan na yakap at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

Nilingon ko ang katabi niya na dalawang lalaki na iisa lang ang mukha. Iyong kambal na kuya ni Miko. Mabilis na yakap din ang ibinigay nila sa akin.

“Welcome home, Jean.”

“You are now safe, Jean. Nasa pangangalaga ka na ng Brilliantes clan,” sabi naman ni Kuya Michael.

“The Brilliantes clan will protect you no matter what.”

“We’re all family here, Miko’s Donna.”

Hindi ko kilala ang dalawa pa, pero baka mga pinsan din sila. Simpleng bati lang din ang ginawa nila.

“It’s Kuya Darcy and Jemi,” sabi ni Miko at pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko.

“Miko, tumuloy na kayo sa bahay ninyo. Kami na muna ang bahala rito kung may nakasunod man sa inyo.” Huminto ang isang sasakyan na agad binuksan iyon ni Miko.

Hinawakan ko agad ang kamay niya. “H-Hindi ka naman siguro magpapaiwan pa rito, ano Miko?” tanong ko. Umiling siya.

“Sasamahan kita. I told you, hindi kita iiwan nang mag-iisa.” Pagkasakay ko ay umikot siya sa kabila. Pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin at kinabig ang ulo ko para isandal sa balikat niya. “Now can you calm down, baby? Nanginginig ka pa, oh,” sabi niya at hinalik-halikan ang likod ng kamay ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now