CHAPTER 23

1.1K 20 0
                                    

Chapter 23: Back and alive

TWO years later

"Thank you for your advice, DJ Anne. Gagawin ko po ang sinabi ninyo sa akin."

"Always remember that na parte na ng buhay natin ang problema and I know you can do this. Just be positive and don't forget to pray." Ikinangiti ko ang pagbibigay advice ni AJ at talaga namang marami kang matutunan sa kanya.

Simula nang dumating sila ng kuya niya sa buhay namin ay nakiusap ako sa kanya na samahan niya ako sa studio ko para mag-on air. I asked her din na kung puwede siyang mag-share about life or something problem ng isa mga listeners ko, and she did a great job naman.

Humahanga nga ako sa kanya dahil napapaisip din ako kung saan niya nakukuha ang mga salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Wala pa nga siyang naaalala sa lagay na 'yan. Ewan ko na lang if gagaling na rin siya.

Tapos ang relasyon namin ni Miko ay mas tumibay pa. Parte na rin ng relasyon namin ang pag-away pero hindi naman iyon nagtatagal ng isang araw dahil pareho kaming gumagawa ng paraan para magbati na kaming dalawa.

Hindi rin nagbago ang ugali niya. Ganoon pa rin siya, palabiro at nang-iinis pa rin siya. Nagtatampo lang din siya kapag hindi ko siya bini-baby. Psh, ang tanda-tanda na ay gusto pa rin niyang magpa-baby sa akin. At ang pagmamahal nga namin ay mas lumalim din. Kung kaya't masasabi ko na sobrang suwerte ko sa kanya.

"Tara na? Lumabas na tayo, DJ Anne," pag-aaya ko sa kanya at pagtayo ko pa lamang ay tumama ang mukha ko sa matigas na bagay. Nalukot ang ilong ko at naamoy ko rin ang pamilyar na pabango ng boyfriend ko. "Iko naman, eh," sabi ko at kinabig niya lang ang ulo ko para dalhin niya sa dibdib niya. Ilang beses niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Hoy, Kuya! Bakit mo hinahalikan ang best friend ko?!" sigaw ni AJ at naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Mahigpit na yumakap lang ang braso ni Miko sa baywang ko.

Best friend, iyon na nga ang turing naming dalawa. Dahil naging matalik na magkaibigan na nga kami. Masaya nga ako dahil sa kanilang magkapatid ay mas nabigyan lang din ako ng pag-asa na muling makakita. Ngunit nabigo kami last year dahil wala pa nga talaga kaming nahahanap na donor ko. Ayos lang naman at makakapaghintay pa ako. Basta kasama ko si Miko. Siya lang naman ang nagpapaalala sa akin na muli akong makakita. Para makita ko na rin daw ang guwapo niyang mukha.

"Come here, bunso. Kumain na tayo. Nasa baba sina Daizo, Zedian at ang maingay mong pamangkin, Jean." Kinurot pa niya ang pisngi ko.

"Kuya naman!" reklamo sa kanya ni AJ. Pareho niya kaming inakbayan. Siyempre malalaman ko iyon.

"Be careful, bunso."

"Ewan ko sa 'yo, Kuya." I chuckled softly.

Nasa sala pa lang kami ay narinig ko na ang boses ni Kuya Hart at ang pamangkin ko. One year and three months old pa lamang siya at hindi pa siya gaano magaling magsalita.

"Oh, nandiyan na sina Tita Jean, Tita AJ at si—"

"Koko!" Natawa nang malakas si Miko dahil sa tinawag nito sa kanya.

"Dazian, dapat may tito, anak. Tito Koko," pagtatama ni Ate Zedian sa anak niya pero as if ay lalagyan nito ng tito ang Koko. Koko talaga ang tawag nito kay Miko. Malapit kasi ito sa kanya.

"Koko!"

Inalalayan pa kami ni Miko na makaupo sa couch at naramdaman ko ang paghalik ni Kuya Hart sa pisngi ko.

"Daizo, kahit na kapatid mo pa 'yang si Jean ay ayoko pa ring makita kang humahalik sa pisngi niya," suway ng selosong boyfriend ko sa kuya ko.

"She's my sister. Anytime ay puwede kong bawiin ang kapatid ko sa 'yo baka akala mo," pananakot sa kanya ni kuya. Sanay na ako sa bangayan nilang dalawa.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon