CHAPTER 73

1.8K 34 3
                                    

Chapter 73: Flute

“MIKO, hindi mo na kami kailangan pang ihatid sa mansion ng grandparents mo. Kasama ko naman ang mga anak mo,” sabi ko kay Miko nang sumama pa siya sa amin.

Nagpasabi kasi kanina si Grandpa na pumunta sa mansion nila at heto nga kami sumama pa siya kahit kasama ko ang mga anak namin.

Naka-suit na nga siya at handa na rin siyang pumasok para sa work niya pero heto, sumasama pa rin sa amin. Nauna nga siyang nagising kaysa sa akin at nagluto pa siya ng breakfast namin. After that ay pinaliguan ko ang tatlong Mika namin. Binihisan saka kami lumabas ng bahay.

Ngayon ko mas naramdaman ang pagiging ina ko sa mga bata. Ngayon ko lang ulit naranasan ito. Hindi bale ang mapagod ako kasi masaya naman.

Kakuwentuhan ko pa nga sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na nga talaga sila. Parang nananaginip pa rin ako.

“Gusto ko kayong ihatid. Masama ba ’yon?” tanong niya. Bumuntong-hininga na lamang ako sa kakulitan niya.

Naglalakad sa unahan namin sina Shynara at Shahara. Naka-holding hands naman kami ni Shanea at ang daddy nila ay nasa kaliwang bahagi ko. Nakapulot ang braso niya sa baywang ko at oo, inaalalayan niya ako.

“May takot ka pa ba na baka mawala ulit ako, Miko?” tanong ko sa kanya. Sinilip ko ang mukha niya. Nahihirapan pa akong tiningalain siya dahil sa tangkad niya.

“Secure na ang buong paligid ng subdivision natin. Hindi na ito katulad pa may nakapasok na outsider. Ang gusto ko lang ay alagaan ka especially that you are pregnant, baby,” he said.

“Okay naman na kami ng baby natin. Remember na strong din siya?” Humalik lang siya sa sentido ko at tumango.

Pagpasok namin ay naghihintay na nga ang grandparents niya. Nagmamadali nang lumapit ang tatlo at nagmano pa sila sa great grandparents nila.

“Magandang umaga po,” bati ko sa kanilang dalawa. Nagmano rin ako at humalik sa pisngi nila. Ganoon din ang ginawa ni Miko saka niya ako inalalayan na makaupo sa couch.

“Sige na, umalis ka na, Miko.” Pareho kaming natawa dahil pinagtabuyan agad ni Grandpa ang apo niya.

“Grandpa naman... Akala ko ba ay ako na ang pinakapaborito niyong apo?” tila nagtatampong tanong nito at umakbay pa sa akin. Sumandal na rin siya sa headrest ng couch.

Wala naman na akong nagawa pa kundi ang sumandal sa dibdib niya. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko.

“Hala, who told you that? Tsk,” his grandfather said. “Anyway, Jean. May ibabalik lang ako na isang bagay na mahalaga sa ’yo. Ang sabi mo sa akin noon ay kukunin mo rin sa tamang panahon. Hindi ko naman akalain na mawawala ka sa amin kaya...”

Napaisip naman ako at pilit kong inalala kung ano ang tinutukoy ni Grandpa Don Brill. Pero wala akong maalala.

“Ano po ’yon, Grandpa?” tanong ko sa kanya. May kung ano’ng bagay naman siya ang inilabas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon.

“Heto, apo.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa nakita. Naalala ko na minsan ko nga itong ibinigay kay Grandpa para lang itago na muna sa kanya.

“Thank you for keeping this, Grandpa,” naluluhang sambit ko at inabot ito para sa ’kin ni Miko. Hinalikan ko ito bago ko inilagay sa dibdib ko.

“Of course, alam ko naman na kukunin mo rin iyan ulit. Umabot nga lang ng apat na taon. Pero masaya na tayo ngayon,” sabi niya.

“Sa kanilang magkakapatid. Si Miko ang mas makararanas ng sakit, lungkot at pangungulila,” pagsimula naman ni Grandma, na nakadikit na sa kanilang dalawa ang triplets namin. “Si Markus na muntik nang umako ng responsibilidad, iniwan pero hindi naman siya agad sumunod dahil na rin sa problema ng pamilya namin. Si Markin, siya naman ang mas nakaranas ng kahirapan. Iyong tipong isinakripisyo na rin niya ang shares niya sa kompanya at ginawa ang lahat para mabilis ang Elvo streets. Subalit, iniwan din siya ng mag-ina niya ng walang dahilan at sa kung saan-saang bansa na siyang naghanap katulad ni Mergus. Siya naman itong indenial sa feelings niya para kay May Ann. Nasaktan ang ego dahil lang sa narinig niya. Tapos si Michael, pagtitiis at pangungulila naman ang naranasan niya. Pinili niya ang lumayo sa pamilya niya alang-alang sa kapakanan ng babaeng mahal niya. Kaya ngayon, masaya akong nakikita kayong masaya na rin at maayos na. Kung mayroon man na pagsubok ang darating sa mga buhay niyo ay sabay na niyong haharapin iyon,” mahabang saad pa niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now