CHAPTER 14

1.1K 26 1
                                    

Chapter 14: New savior

NAIWAN lang ako sa waiting area habang hinihintay ko na matapos ang session niya ngayong umaga. Gustuhin ko man siyang panoorin ay hindi ko naman magagawa pa.

Pero sa tagal ko na ngang nakasama si Miko, sa ilang buwan ay pamilyar na sa akin ang tunog ng buntong-hininga niya. Ang pagdaing niya at kahit ang pagtikhim niya. Alam ko rin naman na nandito pa siya sa loob dahil nararamdaman ko ang presensiya niya.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang yabag ng sapatos niya. “Jean...”

“Oh, bakit?” mabilis kong sagot.

“Puwede mo ba akong bilhan ng drinks?” pakikisuyo niya at napakagat-labi ako.

“Nauuhaw ka ba?” tanong ko.

“Yes,” sagot naman niya at tumango ako. Magtatanong na lamang ako kung saan ako puwedeng bumaba, may cafeteria naman kasi rito. “Bilisan mo, ha?” paalala pa niya na tinanguan ko.

Sa una ay parang normal lang sa akin ang maglakad pero nang makalayo-layo na ako ay saka ako lumapit sa pader. Muntik pa akong ma-out balance dahil nabunggo ko yata ang trashbin.

Naramdaman ko naman na may lalapit sa direksyon ko kaya mabilis kong hinawakan ito sa braso niya. Sa lambot pa lang ng balat nito ay alam kong babae siya.

“Miss, saan po ba ako puwedeng bumili ng drinks?”

“May cafeteria sa left side mo, Miss. Liliko ka pa tapos diretso na.” Nagpasalamat naman ako dahil sa munting tulong niya.

Lumapit agad ako sa counter. Pinapakinggan ko lang naman ang mga yabag nila at hindi rin ako nagkamali na nakalapit din ako sa tamang pupuntahan ko. Dahil binati pa ako nito.

“Pabili po ng dalawang Gatorade.”

“Wait lang po, Ma’am.” Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Alam ko kung saan ko naman inilalagay ang tig-500 pesos ko kaya iyon ang ibinigay ko.

“Miss, samahan mo na lang po ng dalawang biscuit,” sabi ko pa. Ilang sandali pa ay ibinigay na rin sa akin ng babae ang binili ko.

Pabalik na sana ako nang hindi ko naman inaasahan ang mangyayari. May nakasalubong ako at nabangga ko pa. Kaya tumilapon ang mga binili ko kahit naka-plastic pa ito.

“Pünyeta!” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang pagmumura ng isang babae.

“S-Sorry po, Ma’am!” natatarantang sigaw ko.

“Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Bulag ka ba, ha?!” sigaw niya and just like that, nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Isa nga ito sa iniiwasan ko na mangyari. Kaya kahit sa kung saan kami pumupunta ay ang clingy ko ko kay Kuya Hart, hindi lang dahil takot akong maligaw. Kasi natatakot din ako na maka-encounter ako ng ganitong klaseng eksena.

“Sorry po,” naiiyak na sambit ko at lumuhod pa ako sa malamig na sahig ng hospital para kunin ang mga binili ko pero hindi ko man lang iyon mahawakan man lang. Baka gumulong pa sa malayo.

“God. Bulag nga siya!” natatawang sabi pa ng babae at hindi ko na napigilan pa na tumulo na ang luha ko.

Sinubukan ko pa rin na hanapin ang mga pinamili ko at nakuha ko naman ang isang Gatorade at biscuit, may kulang pang isa. Alam kong maraming nakatingin sa ginagawa ko pero ni isang tao ay wala man lang talagang tumulong sa akin.

“J-Jean.” Napapitlag ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

“Miko?” Hinanap ko naman siya at hindi ako nahirapan pa dahil kusa siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang plastic sa kamay ko at may inilagay rin siya roon.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now