CHAPTER 31

1K 15 0
                                    

Chapter 31: Intimate touch

WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

WALA siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Kasi nanahimik na siya. Alam ko naman kasi na kung ano ang lumalabas mula sa bibig ko at kung pinupuri ko siya ay nagkakaganyan na agad siya.

“Kinikilig ka na naman ba, Miko?” naaaliw kong tanong sa kanya.

“Yeah,” pag-amin niya at napangiti ako na may kasama pang pag-iling. “Ang galing mo sa bagay na iyan.” Tumikhim pa siya.

“Ikaw rin naman. Pakiramdam ko ay may paruparo rin sa tiyan ko. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko,” ani ko. Hindi ko ikinakahiya iyon.

“At ako lang ang dapat magparamdam no’n sa ’yo. Isang Brilliantes na si Miko at wala ng iba,” mariin na sabi niya.

“Opo, engineer at sa ’yo ko lang naman iyon nararamdaman, eh. Huwag kang mag-alala,” utas ko.

“I will cook our dinner later. May gusto kang kainin, Jean?” tanong niya nang makabawi na siya.

“Dapat ay ako ang gumagawa niyan,” nasabi ko na lamang kasi iyon naman ang dapat. Mas pagod siya sa trabaho niya at dapat ay nagpapahinga na lamang siya.

“Nope. Nangako ako na aalagaan kita at ako ang magluluto ng makakain natin,” sabi niya at ginanap ang aking kamay upang halikan ang likod nito.

“Ang suwerte ko sa ’yo, Miko. Kung hindi ka dumating sa buhay ko ay baka nasa Pangasinan pa rin kami until now,” ani ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin.

“It’s another way around, baby. Ako ang higit na masuwerte sa ating dalawa. Do you think ay hindi na ako matutulad pa sa mga kuya ko?” tanong niya bigla.

“Like ano?”

“Tayo? We’ve been in a relationship for two years, malapit na nga ang third anniversary natin. Umabot tayo ng taon. Eh, ang mga kuya ko ay buwan lang ay naghihiwalay na sila. Ikaw ba, Jean? Seryoso ka na ba sa akin? Wala ng atrasan kapag pinakasalan na kita?” I let out a short laughed. Nagdududa ba siya na baka puwede pa akong umatras?

“Baby, we already made love. I gave you my precious gem na ilang taon ko ring iningatan and you broke my principles about sèx. Na dapat ay gagawin lang iyon ng mag-asawa. May balak pa ba akong umatras, eh nakatira na ako sa bahay mo? At kaya ko nga bang iwanan ka, eh nakakulong na ako sa mga bisig mo?”

“Miss, bahay natin. Bahay natin iyon,” pagtatama niya sa akin na tinanguan ko.

“Bahay natin,” nakangiting sambit ko.

“Iyan, bahay nga natin.” Kahit hindi ko man siya nakikita ay alam kong tumango-tango siya. “Don’t worry, I did the same way to you, baby. Tama ka rin na hindi kita hahayaan na mawala. Kung may aagaw man sa iyo mula sa akin ay handa akong makipagpatayan,” sabi niya at nasa boses na niya ang kaseryosohan.

“Same way?”

“That’s my first time too, Jean.”

“Weh?” nakataas ang kilay na sambit ko.

“Weh?” he mocked me and I chuckled.

“Eh, bakit ang expert mo pagdating doon?”

“Hmm. Wala, sumabay lang ako sa gusto ng katawan ko,” pagdadahilan niya.

“What if nga na nagwagi ang taong iyon na agawin ako mula sa iyo? May balak ka pa bang bawiin ako mula sa kanya?” curious kong tanong.

“Of course, ako ang unang lalaki sa buhay mo at una kang naging akin. Hindi ako makakapayag na agawin ka nila mula sa akin. I told you, makikipagpatayan ako sa kanila.” Tumango-tango na lamang ako kasi ako ang kinakabahan sa mga sinasabi niya. Walang halong pagbibiro iyon. Seryosong-seryoso siya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now