CHAPTER 66

1.8K 41 2
                                    

Chapter 66: His Donna


WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

KALLA’S POV

ONE week na ang nakalipas simula nang mawala ang kuwintas ko at hindi ko alam kung saang lugar ko na nga ba ito naiwala. Pero ang sigurado lang ako ay noong itinulak ako ni Miko at nahulugan siya sa ulo ng hallow blocks ay sa lugar na iyon nawala.

Nang alalayan niya akong makatayo ay may naramdaman pa akong malamig na bagay na dumulas sa leeg ko. Dahil worried ako sa kanya ay hindi ko na pinansin pa kung ano nga iyon. Pag-uwi ko sa bahay namin ng asawa ko ay saka ko lang namalayan na wala na pala akong suot na kuwintas.

Nataranta agad ako at hinanap ko ito sa banyo kung dito ko ba nahulog pero wala akong nakita. Kahit sa kama ay nagawa ko nang halughugin.

“Kalla, ano ang hinahanap mo?” tanong sa akin ni Archimedes nang makita niya ang paghalughog ko sa buong silid namin. Mabilis akong lumapit sa kanya na parang nagsusumbong.

“Hon, nawala ko yata ang kuwintas ko,” sambit ko at tiningnan pa niya ang leeg ko.

“Saan mo ba nawala?”

“I don’t know... S-Suot ko pa iyon kaninang umaga pero... Pero nawala ko,” sagot ko.

“Bibilhan na lang kita ng bago.”

“Ayoko... Gusto ko iyon,” uniiling na sabi ko at tumango lang siya. Hinalikan niya ang noo ko at marahan na niyakap.

“Magpatulong ka kay Zavein sa paghahanap. Hindi kita masasamahan, sweetheart. Marami akong aasikasuhin ngayon,” sabi niya at napabuntong-hininga pa siya.

These past few days ay napapansin ko na parang may mabigat siyang problema na dinadala. Kaya madalas ay nakikita ko siyang naninigarilyo sa may garden namin. Sa gabi ay umiinom siya ng alak at naglalasing. Mabuti na lamang ay hindi niya ako pinag-iinitan ng ulo dahil hindi ko siya nilalapitan kapag alam kong masama ang mood niya. Siya na rin ang nagsabi no’n na dumistansya ako sa kanya.

Sa site ay naisipan kong hanapin iyon. Nagtanong na rin ako kay Miko pero ang suplado niya dahil wala naman daw siyang pakialam sa locket ko.

Nagpahatid ako sa driver namin patungo roon at agad ko rin itong pinaalis. Sinabi ko lang na tatawag din ako in case na uuwi na ako. Pinayagan naman na ako ni Archimedes pero hindi ko isinama si Zavein. Ayokong maabala siya sa ginagawa niya.

“Dapat dito lang iyon sa banda dahil dito ko naramdaman ang madulas na bagay sa leeg ko,” sabi ko. Bakit ba kasi hindi ko binibigyan nang pansin iyon? Hindi ko tuloy nakita na nawala ko ang locket ko.

Sa paghahanap ko ay may biglang tumawag sa akin. “Donna Jean!”

“Ha?” tugon ko at hinarap ko ang taong iyon pero nang makilala ko kung sino ang tumawag at na-realize ko kung ano’ng pangalan ang binigkas nito ay napaatras ako. Pangalan ko iyon... Natural na iyon ang magiging reaction ko.

My heart skips a beat. Si Miko, bakit siya umiiyak? Bakit parang... Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

Sunod-sunod ang paghakbang niya at parang namanhid ang batok ko nang makita ko ang hawak niya. Tila mabibingi na ako sa lakas nang kabog sa aking dibdib kasabay nang paghila niya sa siko at ikinulong niya ako sa mga bisig niya, habang siya ay umiiyak na parang may dinaramdam siya.

Mahigpit ang paraan nang pagyakap niya pero hindi ko siya magawang itulak dahil sa panghihina agad ng mga tuhod ko. Sumiksik siya sa leeg ko at nararamdaman ko ang pamamasa nito dahil sa mga luha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero nang hilahin niya ako patungo sa opisina niya ay muli niya akong niyakap at narinig ko na ang malakas na hagulgol niya. Na parang matagal na rin niyang nais ilabas at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now