CHAPTER 49

1.6K 32 0
                                    

Chapter 49: Apart

SI MIKO, ang lalaking mahal ko ang huling taong naisip ko na kaya akong saktan nang ganito. Sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya ay isang patalim na tumatarak sa aking dibdib.

Masakit ang pagsikip nito, dahil sa kirot din ng puso ko. Kahit gaano pa kasakit ang kamay kong nasaktan ng pisikal ay walang-wala ito sa ginawa niyang pagdurog sa aking puso. Nangangatal ang mga kamay ko at walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Nagkamali ba akong minahal si Miko? Na ibinigay ko sa kanya ang sarili ko? Nagtiwala rin sa kanya na hindi niya ako magagawang saktan at hindi niya ako pinagkatiwalaan.

“Jean!” Sunod-sunod na yabag ang narinig ko. “What happened, Jean?!” natatarantang tanong ni Ate Theza. Nang makitang umiiyak lamang ako at nakasalampak sa poolside ay agad niya akong niyakap. “Jean...” She even caressed my back.

“A-Ate, ’yong s-singsing na ibinigay sa akin ni Miko... S-Sinira niya... S-Sinira po niya!” sumbong ko na may kasamang pag-iyak. Ipinakita ko sa kanya ang singsing at kasama na ang anklets na ibinigay ko sa mga anak ko. “A-Ayaw na rin niya ng anklets na ginawa ko sa mga anak niya, Ate... Kayang-kaya naman niya raw itong palitan ng mas mahal dahil isa lamang po itong cheap! P-Pinaghirapan ko po ito, Ate...”

“Oh, God... What’s wrong with Miko? Hindi naman siya ganito—wait a minute... What...what happened to your hand, Jean? Don’t tell me... God!” Bayolenteng nagtaas-baba ang dibdib ko at maingat niyang hinawakan ang pulso ko para makita niya ang kamay ko.

“S-Sinubukan ko pong...sagipin ang singsing ko... at natamaan po ang kamay ko, Ate Theza...” humihikbing sambit ko.

Naramdaman ko pa ang panginginig ng mga kamay niya at ang pagsinghot niya. Naiiyak din siya sa sitwasyon ko.

“H-Hindi mo na sana ginawa pa kung masasaktan ka lang, Jean...”

“Baka sakali pong... magising siya. Baka sakali pong maalala niya ang mga pangakong binitiwan niya noon sa akin noong nasa Pangasinan pa kami... Ito na lamang po, Ate... Ito na lamang po ang pag-asa ko na muli akong pagkatiwalaan ni Miko na wala akong... W-Wala akong ginagawang masama... B-Biktima lamang po ako ng isang kidna—” Nahugot ko ang malalim na hininga nang tila nahihirapan ako.

“Tell me... What really happened, Jean? Are you victim of what?” she asked eagerly. Gumalaw ang mga labi ko at naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na likido sa ilong ko. “Jean!” Pinunasan niya nang mabilis ang tubig sa ilong ko. Alam kong dugo iyon.

“A-Ate Theza... I was... I was a victim of kidnapping...” Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang akong nawalan nang malay.

NAGISING pa rin ako sa pamilyar na silid—sa mansion ng grandparents ng nobyo ko. May kasama ako sa loob ng aking silid.

“G-Grandpa,” sambit ko.

“Hindi talaga nawala ang paghanga ko sa iyo, apo. Kahit wala kang nakikita ay malalaman at malalaman mo pa rin kung sino ang taong nasa paligid mo,” sabi niya na may pagkamangha sa boses niya. Napangiti ako. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headrest ng kama.

Nagamot na yata ang kamay ko kasi may gasa na ang nakabalot dito. Narinig ko ang pag-atras ng bangko at kasunod ay ang paglundo ng kama sa kanang bahagi ko.

Ginanap ni Grandpa Don Brill ang kamay kong may gasa at may ibinigay niya sa akin.

“Humihingi ako ng pasensiya na kung kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito, Jean. Pasensiya ka na, tila kailangan niyong dumaan muna ng apo ko sa butas ng karayom upang makuha ang kasiyahan na wala nang sakit ang maidudulot sa buhay niyo. Inaamin kong masakit magmahal ng isang Brilliantes. Naranasan na iyon ng aking mahal na asawa—ng Grandma mo. Nasaktan ko siya nang hindi ko namamalayan. Ngunit ang mga apo ko kahit walang kaalam-alam o may mga malay pa sila ay nagagawa nilang pahirapan ang babaeng mahal nila. Patawad, Jean... Sa kanilang magkakapatid ay bukod tanging si Miko ang naiiba. Nadala siya sa galit kaya nakalimutan niya ang isang bagay na napakahalaga para sa amin. Ang huwag pagbuhatan ng kamay ang kanilang mga mahal sa buhay,” mahabang sambit niya na punong-puno ng sinseridad.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now