CHAPTER 16

961 19 0
                                    

Chapter 16: In a relationship

“WILL you be my girlfriend, Donna Jean?” he asked me at isa lang ang naisip ko sa isasagot niya ng araw na iyon. Ang salitang ‘yes’.

“Congrats po, Kuya!” masayang sabi ko at pumalakpak din ako. Niyakap ako ni Kuya Hart pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.

“Thank you, baby girl. Isa ka sa dahilan kung bakit kami ikinasal ni Zedian,” sabi niya para kiligin ako ng husto. I’m happy for them.

“Nakatutuwa naman po iyon,” nakangiting sabi ko pa.

Si Ate Zedian naman ang sunod na yumakap sa akin. “Ayos lang ba talaga maiwan ka namin kasama si Miko?” worried niyang tanong.

“Wala po kayong mabubuo na baby kapag ako ang inaalala ninyo,” nakangising sabi ko at narinig ko ang paghikbi ni Kuya. Hindi sila nagsalita pero naramdaman ko na lamang ang kamay ni Miko sa likuran ko. Eherm, boyfriend ko na pala siya pero wala pang kaalam-alam ang dalawa.

“Miko, tandaan mo na bawal ka pang lumabas, ha?”

“Noted,” tipid na sagot lang ni Miko. Nagtaas-baba ang kamay niya sa likuran ko kaya pasimple kong tinanggal iyon baka kasi may makakita sa amin.

Iyong reception sana nila ay ginawa na lamang sa bahay para maraming makadalo na mga tauhan namin dahil malaking handaan talaga iyon. Hindi umalis sa tabi ko si Miko at panay tanong sa kanya ang mga taong nasa paligid namin kung sino siya.

Sinasabi lamang ng kuya ko na pinsan namin pero nagrereklamo si Miko sa tabi ko.

“Ano’ng pinsan? Girlfriend ko na kaya ang kapatid mo kung alam mo lang, tss,” mahinang bulong niya sa aking likuran.

“Tumigil ka, Miko. Behave ka lang dapat,” sita ko sa kanya at kinurot ko pa ang tagiliran niya kaya napadaing pa siya.

“Ouch, baby. Masakit naman iyon!” mahina niyang reklamo.

Nagsimula iyong sayawan nina Kuya Hart at Ate Zedian. May magandang awitin ang pinapatugtog sa kanila. Nakalulungkot lang dahil hindi ko sila magawang panoorin.

Iyong masaya ka naman talaga pero hindi mo talaga maiwasan ang malungkot bigla. Naging kontento naman talaga ako pero heto ako ngayon nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Natatakot na naman ako na kung habangbuhay na lamang ba ako na ganito. May magbabago pa sa life ko? Or forever na naman akong malungkot at ma-e-envy sa ibang tao?

Isa pa nadagdagan na rin ng isa pang tao ang gusto kong makita. Si Miko na biglaan din ang pagdating niya sa buhay ko at naging boyfriend ko pa kahit na sobrang complicated. Pero inaamin ko naman na may... feelings naman talaga ako para sa kanya. Hindi ako napipilitan lamang na sagutin siya. Comfortable na kasi ako sa presensiya niya.

Natigilan naman ako sa pag-iisip ko nang halikan ni Miko ang kamay ko. “Are you okay, Jean?” nag-aalalang tanong niya. Tumango ako at tipid na ngumiti lamang ako. “Sigurado ka ba?”

“Oo naman.”

“Eh, bakit bigla kang natahimik habang pinapanood mo—sorry,” bawi niya sa sinabi niya. Nginitian ko na lamang siya.

“Siguro... Napagod lamang ako,” sabi ko at humalik pa siya sa sentido ko. “Miko, baka makita tayo ni Kuya Hart. Lagot tayong dalawa niyan, eh,” kinakabahan na saad ko.

“Busy na nga sa bago niyang asawa ang kuya mo tapos iyong mga bisita nila ay ganoon din naman. Tara pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na. Mamaya ay aalis naman na sila.”

“Eh, ’di mas kailangan ko pa rin ang nandito. Para magpaalam sa kanila.”

“Ang tigas pala ng ulo ng baby ko,” bulong na naman niya at humalik sa balikat ko. Spaghetti dress pa naman ang suot ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon