CHAPTER 71

1.3K 28 0
                                    

Chapter 71: Settled

WALA sana akong balak na isama ni Miko para sa meeting nila kasama ang mga kapatid niya at ang mga taong tumutulong ngayon sa amin. I'm pregnant and he doesn't want to stress me out. Masama sa buntis ang makarinig na mabibigat na salita. But his sister-in-law insisted na dapat kasama pa rin ako.

"So, what's the plan, Miko?" tanong ni Kuya Markus.

Kompleto ang mga kapatid niya at may tatlong lalaki rin kaming kasama na hindi ko kilala. May hitsura naman sila at ang isa ay may suot na eyeglasses. Ang buhok naman ng isa ay may nalalaglag sa kanyang noo na parang bangs na rin ito. Kapansin-pansin din ang isang lalaki na may malaking katawan.

"Ano ba ang madalas na ginagawa natin kapag may isang tao ang nagkasala?" mariin na saad ni Miko. Hinaplos ko ang kamay niya nang bahagya itong kumuyom. Nang tingnan niya ako ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. He kissed my temple.

"Calm down, okay? Ako ang kinakabahan sa 'yo," sabi ko.

"I'm sorry," sabi niya lang at muli akong hinalikan.

"Anyway, paano naman ang kaso mo na kidnapping, Miko?" tanong ng lalaking naka-eyeglasses. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nila. Wala naman kasing introduction ang mga ito.

"Ayokong iharap sa korte si Jean kahit na malaki pa ang maitutulong niya," sabi ni Miko.

"Statement niya ang mas mahalaga pero kapag hinarap mo na siya ay ituturo pa rin siya ni Valderama na asawa nito. May mga dokumento siya na nagpapatunay na siya si Kallani Soleil Carvento-Valderama," giit nito at nilingon ang katabi. Ang lalaking may malaking katawan.

"Pantay lang ang kapangyarihan namin sa agency, kasama siya sa organisasyon na pinamumunuan ko rin, hindi ako makatutulong kapag wala ang biktima. Ang rules ay hindi namin puwedeng galawin ang buhay ng kasapi namin para na rin sa pagrespeto."

"Pero kahit ilalabas natin ang biktima ay ituturo pa rin siya ng iba nating kasapi. Papanigan nila si Archimedes. Legal ang kanilang kasal. Nandoon ang pangalan nila at signatures," paliwanag pa ng isang lalaki.

Tiningnan ko ang magiging reaction ni Miko. Kalmado lang siya at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Axel, iyong hinihingi ko pala sa 'yo." May isang folder na inilabas ito at ibinigay niya kay Miko. Binuksan niya ito at inilapag sa center table.

Curious naman ako kung ano ang mga papeles na iyon. Hanggang sa isa-isang kumuha ang mga kapatid niya at nakarinig pa ako nang pagtikhim.

"How did you get this marriage certificate, Miko?" salubong ang kilay na tanong ni Kuya Markus.

Mabilis na kumuha naman ako ng isang kopya at puro original ang mga ito. Namimilog ang mga mata ko nang makita kong marriage certificate nga iyon. Ang mas ikinagulat ko ay ang date issued nito. Six years ago pa pero ang date... Iyong araw na sinagot ko siya at naging boyfriend ko siya. Same year pa rin.

"M-Miko, a-ano 'to?" gulat na tanong ko. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

"Original ba ito?" may pagdududang tanong naman ni Kuya Markin at pinitik-pitik pa niya ang papel.

"Ito ang dahilan kung bakit hindi na ako nakapunta pa sa bahay na iyon para makita si Jean. Nagdala ako ng marriage contract at pinapirma siya and with Axel's power ay nagawa niyang manipulahin ang date issued. Na kasal kami ni Jean six years ago," paliwanag niya at naalala ko nga ang gabing iyon. Papaano niya naisip iyon?

"Makatutulong ba ito, Miko?" Kuya Michael asked him.

"Puwede kong i-deny ang pag-kidnap ko sa tinutukoy niyang asawa at ihaharap ko naman si Jean bilang asawa ko. Mas kapanipaniwala pa na asawa ko ang pilit niyang inaangkin. May kapatid si Jean. Sila ng asawa naman niya ang magtuturo kung sino talaga ang sinasabi niyang Kallani Soleil Carvento-Valderama. Pero hustisya ang gusto ko. Hustisya para kay Jean, Kuya. Apat na taon siyang inilayo ng lalaking iyon."

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now