CHAPTER 54

1.2K 19 3
                                    

Chapter 54: Meeting her children

NILAKIHAN ko ang pagbubukas ng pintuan for him. Kahit ayoko siyang pumasok ay may good manners pa naman ako. Bad kasi iyon when he waits outside and besides we have something important to sign. Our contract. Bakit ba kasi kinalimutan iyon kanina ni Zavein na dalhin? Wala sana kami rito.

“Come in,” I invited him. Tiningnan pa niya ako bago siya pumasok. Humigpit pa ang paghawak ko sa doorknob dahil sa nalanghap ko ang familiar perfume niya. Hindi pa rin siya nagpapalit no’n.

“I thought I’d just wait outside,” he commented and place one hand in his pants pocket.

“It’s okay if you want too. I won’t force you,” supladang tugon ko naman.

“Sungit,” he said under his breath. I rolled my eyes at nakita niya mismo iyon. His lips rose up.

May dalawang couch sa hotel suite ko at doon ko siya pinaupo at kinuha ko ang folder na hinanda ng best friend ko. Bumalik din ako at inilapag ko iyon sa coffee table. Naglabas na rin ako ng sign pen para ready na talaga siya.

“Here, ikaw muna ang pipirma. Nandiyan din naman ang signature ng co-owner ko. Sa atin na lang ang wala,” ani ko at pinagdaop ko pa ang palad ko na nasa lap ko.

“Hindi mo ba ako aalukin man lang ng kape, Miss?” Nagsalubong ang manipis kong kilay. Bakit ko naman siya aalukin no’n? Before nga kami pumunta sa location ay kagagaling pa namin sa coffee shop.

“Aren’t you busy, Engineer Miko?” walang emosyon na tanong ko.

“Kung ikaw naman ang kasama ko ay okay lang sa ’kin na mas magtagal pa rito,” sagot niya.

“That makes no sense, Engineer. We already talked about the building we want to build and the only thing missing is we sign the contract. Just don’t waste any more time and sign it already,” saad ko. Kanina pa ako nauubusan nang pasensiya sa lalaking ito. Hindi naman kasi ako comfortable kapag nasa iisang room lang kami. Mas lalo lang akong kinakabahan at hindi mapakali.

“Why are you in a hurry? Are you worried that your so-called husband will catch up with me?” malamig na tanong niya. Isa pa iyon sa mga dahilan ko. Hindi magandang idea kapag nalaman ni Archimedes na pinapasok ko at kasama ko rito ang ex ko. Baka kung ano na naman ang sabihin no’n. Ayokong maghinala siya kahit hindi naman dapat.

“You don’t care anymore,” laban ko. Padabog niyang kinuha ang folder. Is he mad? Tsk.

“Apat ang contract, hindi mo na ba kailangan ng attorney?” I asked him. Hindi siya kumibo, kumunot lang ang noo niya at nang matapos na siya ay binitawan niya ang sign pen na may halong galit. Hindi na nga rin maipinta pa ang face niya.

Kinuha ko iyon at nagsimula na rin akong pumirma. Tinanggal ko ang tatlong piece ng contract at ibinigay ko sa kanya ang isa. Akala ko ay magdadabog na naman siya pero maingat na niyang hinawakan ang folder saka siya tumayo. So, I stood up from my seat too.

“I’ll go ahead,” paalam niya. Walang nababahiran na kahit na ano’ng emosyon ang mukha niya. Nagkibit-balikat ako at hinatid ko siya hanggang sa pintuan. To be sure na makalalabas na rin siya.

“Thank you, Engineer. Inaasahan ko ang mabilis na serbisyo niyo,” ani ko at nilingon pa niya ako. Saglit na pinasadahan niya nang tingin ang aking mukha. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay. He licked his lips and I averted my eyes. Dàmn it. Natural na mapula talaga ang lips niya.

“Nice to meet you,” he said at bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakalahad na ang palad niya.

Nang tanggapin ko ang kamay niya ay napasinghap ako nang hinila niya ako at mabilis na binitawan niya rin ito para hawakan ako sa batok. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa akin. Hindi katulad nang dati na mabilis lang pero ngayon ay nagawa niyang gumalaw kasabay nang pagkagat niya sa lower lip ko saka niya ako pinakawalan.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now