CHAPTER 11

1K 19 0
                                    

Chapter 11: Nagtatampo

“AW, Miss! Ang sakit! Isusumbong kita kay Mommy!” sigaw niya at hindi ko na alam kung matatawa ba ako sa kanya o maaawa pa dahil sa isinigaw niya na isusumbong niya raw ako sa Mommy niya. Mabilis akong lumapit sa kanya para sana i-comfort siya pero naapakan ko na naman ang paa niya at napadaing na naman siya sa sakit. “Nananadya ka ba?! Nakita mo na nga ako sa sahig ay inapakan mo na naman ang paa ko!” reklamo niya at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at hanggang sa tumulo na ang mga luha ko dahil wala naman talaga akong nakikita, eh. Malamang na mangyayari iyon.

Kung sana na hindi ako pinagkaitan ng paningin ay sana nga hindi ko siya masasaktan!

“S-Sorry na... H-Hindi n-naman talaga kita n-nakikita, eh,” humihikbing sambit ko. Hindi ko na siya narinig pa na dumadaing pero ramdam na ramdam ko ang malamig niyang titig sa akin.

Hinila niya ang braso ko at niyakap na naman niya ako. “Hush now. Sshh, huwag ka nang umiyak. Hindi na kita aawayin pa,” pag-aalo niya na may lambing pa sa kanyang boses. Mas lalo lang akong naiiyak dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin.

Ang hilig niyang magpaiyak pero nagagawa pa rin niya akong patahanin!

“B-Ba’t ka ba nangyayakap na lang bigla?” tanong ko sa gitna ng paghikbi ko.

“Pinapaalala mo lang kasi sa akin ang kapatid ko, eh. Tahan ka na nga.”

“Ang injury mo!” sigaw ko at itinuro ko pa ang binti niya. Alam ko naman kung saan iyon, eh. Nasa gitna pa niya ako ng hita niya.

“Hindi na masakit kasi mas masakit ang pag-iyak mo,” he reasoned out. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin na masakit daw ang pag-iyak ko.

“B-Bakit kasi ang kulit mo?” nakangusong tanong ko pa rin sa kanya. Marahan na pinitik niya ang labi ko.

“Bakit kasi ang cute mo? May bangs ka pa, oh,” aniya at hinipan pa niya ang bangs ko pero hindi naman ako napapikit.

“Ang sabi mo ay mukha akong aso,” kunot-noong sambit ko.

“Kaya nga, ang cute ng aso, eh.”

“But you told me kaya na ang pangit ko! Na mukha akong aso!” reklamo ko pa na tinawanan na lamang niya.

“Miss, samahan mo na lang ako sa banyo. Gusto ko na talagang maligo. Pawis na pawis ka ako, oh,” sabi niya at siya pa ang naglagay ng kanang braso niya sa balikat ko. Sininghot ko pa ang amoy niya, amoy pawis nga siya pero wala naman akong ibang naaamoy ro’n kundi ang natural na scent niya pero mabango pa rin naman siya. “Hey, nahihiya na ako. Baka mamaya niyan ay masusuka ka na sa amoy ko, ha.”

“Bakit? May putok ka ba? Mabaho ang kilikili mo?” curious kong tanong.

“Hèll no!” tanggi niya. “Come on, itayo mo na ako.”

“But maaapakan ko na naman ang injury mo,” ani ko.

“Tingnan mo na lang, okay?” Hindi pa niya yata nahahalata na wala naman akong nakikita at bulag nga talaga ako for real?

But sa halip na intindihin pa iyon ay pinagsawalang bahala ko na lamang at dahan-dahan na kaming tumayo. Ingat na ingat pa ako dahil natatakot na akong maapakan ko na naman ang binti niya. Mahirap na baka sisigawan na naman niya ako. Hindi pa naman ako sanay na masigawan at ibang tao pa ang gagawa no’n.

Si Kuya Hart nga ay never niya akong pinagalitan hindi dahil sa situation ko. Kasi sobrang mahal niya lang talaga ako bilang nakababatang kapatid niya at kaming dalawa na lang talaga ang natira sa family namin. Kaya iniingatan din namin ang isa’t isa.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon