CHAPTER 15

1.1K 21 1
                                    

Chapter 15: Manliligaw

“MAY pitong taon ka ng ganyan? 7 years na wala kang nakikita?” gulat na tanong sa akin ni Miko nang magtanong siya sa akin kung kailan pa ba ako nabulag at hindi na ako nahiya pa or natakot sa mga naging trauma ko.

“Yup,” I simple replied. Nasa kusina kami at naghahanda lang kami ng meryenda naming dalawa.

Hinayaan niya ako na gumawa ng sandwich. Alam ko naman ang mga pinaglalagyan ng mga ito pero tumulong pa rin siya. Pinainit ko lang ang beef kanina para iyon ang maging palaman namin. Namamangha pa nga siya dahil walang kahirap-hirap kong nagagawa iyon.

“Bakit hindi ka naoperahan agad?”

“Naoperahan na ako, pero hindi pa rin nagiging successful. Dalawang beses na nga pero sayang lang ang mga matang na-donate sa eye-transplant ko pero hindi rin naman ako nakakakita pa. Nang pahintuin na rin ako ng doctor na huwag munang magpa-opera para maging healthy ulit ang kondisyon ko ay napunta lang ako sa huling waiting list ng hospital,” mahabang paliwanag ko pa.

“What if sa ibang bansa ka magpapaopera, Jean?” suggestion niya ngunit umiling ako.

“Kailangan kong magpa-check up ulit bago ako operahan pero sa ngayon. Nag-iipon pa kami ni kuya ng pera,” sabi ko at inilapit ko na sa kanya ang dalawang piraso ng sandwich.

“Sa dami ng palayan at niyog ninyo? Wala kayong naitatabi na malaking pera?”

“Hindi lang naman kami ni Kuya Hart ang nakikinabang niyan, eh. May mga tauhan kami. Iilan lang ang napupunta sa amin,” paliwanag ko.

“Kapag ayos na ang lahat. Sumama ka sa akin sa Manila, Jean. Ako ang magpapaopera sa ’yo,” seryosong sabi niya. Para lang lumambot ang puso ko. Hindi niya kami kaano-ano, naging savior niya lang pero sobra na iyong gagawin niya para sa akin kung nagkataon iyon.

“Bakit? Marami ka bang pera para sa eye-transplant ko? Kaya mo akong gawin na first priority sa hospital?” pabirong tanong ko pa na sinasakyan din ang kanyang sanabi.

“Two years pa lang ako sa trabaho ko. May mamanahin din ako kay Grandpa at may shares ako sa kompanya ni Kuya Markus. Kapag kulang ang perang inipon ko ay marami naman akong mauutangan.” Mahinang natawa ako sa kanya.

“Talaga? Utang? Handa kang mangutang para sa akin?”

“Aba, oo. Ibebenta ko pa ang shares ko sa kompanya. May pinapatayo na rin ako na sarili kong business.”

“Tumigil ka, Miko. Dapat ang pagtuunan mo muna ng atensyon ngayon ay physical therapy mo. Bago ang lahat. Pagkatapos ay ang mga taong gusto kang saktan. Iyon ang alamin mo. Huwag mo akong alalahanin. Sige na, kumain ka na.” Limang piraso ng sandwich ang nagawa ko at may orange juice pa kami.

Kumagat ako sa sandwich at ngumuya. Muntik na akong mabulunan nang hawakan ni Miko ang kamay ko na nakapatong sa island counter.

“Ayaw mong sumama sa akin?”

“Bakit naman ako sasama sa ’yo, Miko? Kumain ka na nga lang diyan. Ang dami mong sinasabi, eh.”

“Ayaw mo talagang sumama sa akin?” pamimilit niya at hinigpitan niya ang paghawak sa kaliwang kamay ko.

“Miko. Bakit nga ba ako sasama sa ’yo? Nakatira ako sa Pangasinan at hindi roon sa Manila.”

“Wala kang balak na tumira roon?” Napanguso na lamang ako.

“Ang kulit mo, ha. Nandito ang buhay ko, Miko. Nandito si Kuya. Si Ate Zedian,” ani ko sa kanya.

“Jean.”

“Oh?” tugon ko.

“Ang sarap ng sandwich mo. Mauubos ko yata ang dalawa o baka tatlo pa.”

“Sige lang, kung gusto mo pa ay puwede naman kitang ipaghanda ulit,” nakangiting sabi ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now