CHAPTER 21

1K 17 0
                                    

Chapter 21: Mikael

PAG-UWI nga ni Kuya Hart ay sinabi talaga ni Ate Zedian. Napagalitan na naman niya ang boyfriend ko. Kesyo nag-t-take advantage na raw ito sa akin kapag wala siya rito sa bahay namin. Si Miko S. Brilliantes siya, wala sa vocabulary niya ang matakot sa mga banta ng kahit sinong tao man.

Isa lang naman daw ang kinakatakutan niya. Ang mawala raw ako sa buhay niya. Gusto niya lamang ako pero sa pagtrato niya sa akin ay parang mahal na niya ako sa lagay na iyon. Ngunit kung patungo na siya roon ay susuklian ko naman siya. Hindi ko siya hahayaan na bumagsak, ha. I will catch him no matter what.

Hindi na ako makahahanap pa ng lalaking katulad ng nobyo ko. Kahit oo, napakapilyo niya. Palabiro siya pero nakatutuwa naman siya. Hindi ka lang mapapatawa niya dahil iinisin ka rin niya. Kahit ganoon siya ay mahalaga pa rin siya sa akin. Parte na rin siya ng buhay ko. Alam ko na rin sa sarili ko na mamahalin ko rin siya pagdating ng panahon.

Kahit inulam pa ni Miko ang sermon ni Kuya Hart ay pagngiti-ngiti lamang siya. Paano ko nalaman? Palagi siyang sinisita dahil sa kangingiti niya. Ewan ko ba talaga sa ugali niya pero isa pa rin naman iyon sa nagustuhan ko sa kanya.

Mahimbing na sana ang tulog ko nang magising ako sa kalagitnaan nang gabi. Napabangon ako bigla at napansin kong tagaktak na rin ako ng pawis. Akala ko noong una ay ang ulo ko lang ang masakit pero hindi pala. Iyong mga mata ko. Matagal na simula nang maramdaman ko ang pananakit ng mga ito. Nasuri naman ako ng doctor at normal naman daw iyong pananakit pero ngayon lang ito bumalik.

Hinawi ko ang bangs ko na basang-basa na rin ng pawis ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Bumaba na rin ako mula sa kama ko. Muntik pa akong ma-out balance dahil sa kumot na na-stuck sa paa ko na hindi ko natanggal nang maayos.

Nagtungo ako sa pintuan ng banyo ko at ang kamay ko lang ang ginagamit ko para wala akong mabubunggo na mga gamit ko sa loob ng aking silid.

Alam kong may pain killer ang kuya ko pero naalala ko si Ate Zedian. Buntis siya at ayokong magising pa siya. So, hindi ko na sila pinuntahan pa dahil makaaabala lamang ako. Ilang beses pa akong muntik na madapa pero nakarating naman ako sa patutunguhan ko.

Binuksan ko ang gripo ng tubig sa sink ko at naghilamos ako. Umaasa ako na kapag nabasa ng tubig ang mga mata ko o ang mukha ko ay mawawala na ang sakit pero hindi.

Matindi pa rin ang kirot nito pero habang tumatagal ay kasama ng nanakit ang ulo ko. Naghalo-halo na ang mga luha ko, ang pawis at tubig. Pinipigilan ko na lamang ang humikbi dahil baka marinig nila ako. Dumausdos lang ako pababa at isinandal ko ang ulo ko sa pader. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa bayolenteng paghinga ko.

“Jean?” Napatutop ako sa bibig ko nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko. “Donna Jean?”

Sinubukan kong tumayo at nang nagawa ko naman ay pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang tubig. Nagpanggap ako na walang nararamdaman kung kaya’t nang bumukas ang pintuan ay sinalubong ako ni Miko.

“M-May kailangan ka ba, Miko?” tanong ko. Gusto kong umiyak ulit dahil masakit na masakit talaga siya. Pero ayokong makita ni Miko na nahihirapan ako.

Tipid akong ngumiti sa kanya nang hawakan niya ang mukha ko at ramdam ko ang mariin na pagsuri niya.

“Are you okay, baby?” Tumango ako at ilang beses na kumurap. “No, you’re not. Ang putla mo, ang mga labi mo ay wala ng kulay. Nanginginig ang mga kamay mo at ang lamig pa.” Sumeryoso ang tono ng kanyang boses.

“D-Dahil siguro sa tubig,” sabi ko.

“Jean, 2AM pa lamang ng madaling araw. Bakit naghilamos ka? May masakit ba sa ’yo?” Mabilis akong umiling. “Donna Jean, sabihin mo sa akin kung may masakit ba sa ’yo? Seryoso ako, Miss. Iba ako magalit. Tell me, what’s wrong? Pinagpapawisan ka na rin, oh! Huwag mong idahilan sa akin na mainit dahil ang lamig-lamig ng silid mo!” sigaw niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang