CHAPTER 8

1.1K 28 2
                                    

Chapter 8: His Saviour

“HINDI ka ba nauuhaw?” tanong ko kasi nang hindi na rin ako nakapagsalita pa ay bigla na lang siyang nanahimik pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

“Nauuhaw,” tipid na sagot niya lang.

“Kukuha lang ako—”

“No. Just stay there.” Mariin kong naitikom ang bibig ko dahil sa lamig ng boses niya.

“Uhm...” Mahinang pinisil ko ang kamay ko at tumayo na rin ako sa huli. Hindi ko nakakayanan iyong lamig sa paligid—ang ibig kong sabihin ay ang makaharap ko ang isang tao na hindi ko naman kilala. Na ngayon ko pa lang din makakausap tapos lalaki pa. Eh, ang awkward lang. Tahimik din kasi siya, eh.

“Saan ka pupunta?” kapag kuwan ay tanong niya.

“Lalabas na muna ako at hintayin mo na lang dito ang kuya ko,” sagot ko. “At saka... Susuriin ka pa kasi niya,” dagdag ko.

“Gusto ko na pala ng tubig. Puwede mo ba akong ipagsalin sa baso?” Ay?

“Eh, ang sabi mo kanina ay ayaw mo naman?” nakangusong sabi ko at nakarinig pa ako nang pagtikhim.

“Eh, sa gusto ko na nga ngayon,” sabi niya lang. Naglakad na lamang ako palapit sa bedside table dahil may inilagay roon si Kuya Hart na isang pitcher ng tubig in case na magising siya at doon din naman ako umiinom sa tuwing nauuhaw ako.

Maingat lang ang mga galaw ko pero nanginginig ang aking mga kamay dahil sa nararamdaman kong paninitig niya sa akin. Bakit ayaw akong tantanan ng mga mata niya?

Nahawakan ko na agad ang baso at sunod na ang pitcher. Nagsalin na ako ng tubig para sa kanya saka ako dahan-dahan ulit lumapit sa bed niya.

“Here,” ani ko at inabot ko na iyon sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa baso kaya binitawan ko na rin iyon. “Sige, mag-rest ka muna—”

“May tanong pa ako, Donna Jean.”

“A-Ano naman iyon? Sabi ko naman, hindi ba, na hintayin na lamang natin ang kuya ko? Sa kanya ka na lang magtanong,” usal ko. Kung may gusto kasi siyang malaman ay baka hindi ko lang masagot.

“Sit down, Miss. Nakikipagkuwentuhan pa ako sa ’yo,” aniya.

“Ha?” Ba’t gusto niyang makipagkuwentuhan sa akin, ay?

“Maupo ka ulit,” utos pa niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Since hindi ko naman siya nakikita pa ay nakatungo lang ang mukha ko. “Miss, huwag kang yumuko.”

“Ha? B-Bakit?” Nag-angat ako nang tingin.

“Bakit?” patanong na sagot pa niya. “Hindi ko makita ang magandang view.”

“Ano’ng... Ano naman ang connect no’n sa pagyuko ko?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

“Kasi...hindi ko makita ang mukha mo.”

“A-Ano?” gulat kong saad.

“You know what? Maganda ang Mommy ko, maganda rin ang nag-iisa kong kapatid na babae.” Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo ko. Ano na ang pinagsasabi niya? Ano naman kung maganda ang Mommy at kapatid niya?

“O tapos?” kunwari ay interesadong tanong ko.

“But...you’re prettier. In my whole life you are the only beautiful woman I have seen in the world.” Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Kagigising niya lang ay nambobola na siya!

“Siguro... Nauntog ang ulo mo bago ka na-coma, ’no?” naasar na tanong ko sa kanya.

“Wait—what?! In coma ako?!” gulat na tanong naman niya sa akin. Tumalon pa nga ang balikat ko sa shocked nang pagsigaw rin niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon