CHAPTER 10

1.2K 27 1
                                    

Chapter 10: Plauta

“TAHAN na. Hindi mo naman kasalanan kung bakit ka nadulas,” pagpapatahan sa akin ni Kuya Hart kasi iyak nang iyak lang ako. Nakayakap pa nga ako sa kanya na parang bata at nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya. Ilang beses pa niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Ang sakit kaya ng likod ko na tumama pa sa mesa!

“Lagyan muna natin ng ointment para hindi iyan mamaga, Jean.” Itinaas pa ng kuya ko ang suot kong t-shirt at nasa likuran ko na si Ate Zedian. Napaigtad pa ako nang hawakan niya iyon.

“M-Masakit po, Ate Zedian...” naiiyak na saad ko.

“Mawawala rin itong sakit na ito, Jean. May pain killer naman tayo,” sabi pa ni ate at marahan na niyang nilagyan ng ointment ang likod ko.

“Don’t cry, baby girl... Gagaling din naman ito, eh.” Tumango lang ako kay kuya at nang natapos na si Ate Zed ay saka nila ako inihiga sa kama. Nilagyan pa nila ng unan ang likod ko.

Hinaplos ni kuya ang buhok ko at alam kong worried pa rin siya. “Heto na ang pain killer, Jean.” Iniupo naman ulit ako ni Kuya para mainom ko na iyon. Pinunasan pa niya ang tubig sa gilid ng labi ko.

“Okay na po ako, Kuya. Hindi po ba susuriin mo pa ang pasyente mo?” tanong ko. Sa kabila pa rin ng ginawa sa akin ng lalaking iyon ay siya pa rin ang inalala ko.

“Oo. Mamaya. Hihintayin ko na lang na makatulog ka. Sige na, tulog na, Jean.” Nakangiting pumikit na lamang ako at ganito palagi ang ginagawa niya sa tuwing nagpapatulog siya sa akin. Bata pa lamang kami ay ganito na talaga siya.

Hindi siya aalis sa tabi ko hangga’t hindi ako nakatutulog. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hindi kalaunan ay nawala rin ang kirot sa likod ko. Tumalab na ang pain killer kaya bumabagal na rin ang pagkurap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog na nga ako.

But nagising naman ako sa kalagitnaan ng gabi dahil parang may nararamdaman akong nagma-massage nang marahan sa likod ko. Napadilat ako pero wala naman akong makita at kung mayroon man ay maliit na liwanag—teka.

Maliit na liwanag? May nakikita ako na maliit na liwanag?! Puro dilim lang naman ang nakikita ko noon at wala kahit na ano’ng liwanag.

“Kuya?” Babangon na sana ako nang may tumulak sa noo ko para makahiga ulit ako. Familiar ang touch niya and his presence. “M-Miko?” gulat kong sambit sa pangalan niya.

“Masakit pa ba ang likod mo?” tanong niya na halos pabulong na.

“B-Bakit nasa loob ka ng aking silid?” nagtatakang tanong ko.

“I’m just worried. Hindi ako makakatulog kapag alam kong nasaktan ka,” sagot niya.

“Okay na ako. Bumalik ka na sa room— Wait paano ka nakapunta rito? Pinilit mo na naman ang tumayo?” nag-aalalang tanong ko at muli sana akong babangon nang marahan niya ulit akong tinulak.

“Can I sleep here? Parang... makakatulog na naman ako ng ilang araw nito,” wika niya at humihina ang boses niya.

“Then don’t sleep,” mariin na saad ko at hinila ko pa ang collar ng shirt niya.

“I’m tired,” sabi niya lang pero hinila ko ulit ang damit niya. Hindi siya puwedeng matulog.

“Please, huwag ka nang matulog pa if hindi ka naman gigising pa. Miko...”

“Can I ask you something, Miss?” Halos pabulong na talaga iyon, eh.

“What is it?” tanong ko naman.

“That sound of... iyong may uhm... Before you tell me things I even hear soft music. What is that? Did that come from your phone? Just like a—”

“Plauta? Isang plauta ang narinig mo,” sabat ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon