CHAPTER 20

1.2K 18 1
                                    

Chapter 20: Caught

PAGDATING namin sa bahay ay si Miko pa rin ang umalalay sa akin. Hindi siya sinuway ni Kuya Hart dahil alam kong overprotective ito sa akin. Kasi kasama namin si Ate Zed pero kailanman ay hindi naman niya ako nakalimutan na alalahanin.

“Ayos ka lang, babe?” narinig kong tanong ng kuya ko sa asawa niya, kay Ate Zedian. Buntis pa naman ito.

“Inaantok lamang ako, babe,” sagot nito.

“Sige na po, Kuya. Okay na po ako rito. Ihatid mo na lang po si ate sa kuwarto ninyo. Napagod po sila ng magiging pamangkin ko,” ani ko.

“Ako na ang bahala sa kapatid mo, Daiz,” seryosong sabi ni Miko. Hindi na umimik pa si kuya pero mabilis niyang hinalikan ang noo ko at saka sila umalis.

“Tara, kainin natin ang meryenda,” pag-aaya sa akin ng boyfriend ko. Hindi ako umimik at nagpaubaya na lamang ako sa kanya. Pinaupo niya ako at narinig ko lang ang tunog ng mga baso at plato na inilapag niya rin sa mesa. Mayamaya ay umupo na rin siya sa aking tabi. “Galit ka ba sa akin, Miss?” tanong niya kapagkuwan.

Umiling ako at inabot ko lang ang baso na alam kong may inilagay siya malapit sa akin. Tubig lang ang laman nito. Tamang-tama sa tuyong lalamunan ko.

“Hindi. Bakit naman ako magagalit sa ’yo?” tanong ko at uminom ng tubig.

“Kasi iniwan kita kanina,” sabi niya at parang nagsisisi siya sa ginawa niya.

“Hindi naman ako galit sa ’yo ng dahil lang doon, Miko. Natakot lang kasi ako kanina dahil nagising ako na wala ka na sa tabi ko. Lalo na may mga tao ang umaaligid daw sa labas. Nag-alala lamang ako sa ’yo,” nakangusong sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod nito.

“Pangako na hindi na kita iiwan pa ng ganoon, Jean. Lumabas lang talaga ako para bumili ng meryenda kasi nagutom ako at ayoko lang naman na gisingin ka. Mahimbing ang tulog mo, eh.” Pinitik ko ang noo niya.

“Ang tigas din ng ulo mo, ano? Hindi ba ang sabi sa ’yo ng kuya ko ay huwag kang lumabas?” malamig kong tanong.

“Pasensiya na. Sumilip naman ako sa labas ng flower shop ni Zedian at wala naman na akong nakita pa na mga lalaki sa labas. Kumain na lang tayo nitong kakanin, Miss. Mainit-init pa ito,” sabi niya at sinubuan pa niya ako. Ngumuya naman ako at tumango dahil sa nalasahan kong tamis nito.

Naramdaman ko lang ang pagtitig niya sa akin habang kumakain ako na ako. Kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay alam kong nasa akin ang lahat ng atensyon niya.

“Kumain ka na lang diyan, Miko. Huwag mo akong titigan,” suway ko.

“Wala, naakit lang ako sa ganda mo.” Sanay na sanay na ako sa papuri niya pero sa tuwing may lumalabas na magagandang salita mula sa bibig niya na tungkol sa akin ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Bumibilis din ang pintig sa puso ko. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin.

“Siguro kaya mo lang ako ginawang girlfriend mo ay dahil maganda lang ako, ’no? Mga lalaki talaga,” naiiling na saad ko. Inagaw niya ang kinakain ko at bago pa man ako makapagsalita ay walang sere-seremonya niya akong hinalikan sa mga labi ko.

May kinakain pa nga ako, eh!

Hinawakan ko siya sa dibdib niya para itulak siya pero mariin niya lamang kinabig ang batok ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mapupusok ang mga halik niya. Hindi ko na nga siya masabayan pa dahil sa bilis nito. Pinakawalan niya lang ako nang hindi na ako makahinga pa nang maayos.

“Miko! Kumakain ako!” sigaw ko at nawala na lang bigla ang kinakain ko sa bibig ko. “Kadiri ka talaga. Nasa loob na nga ng bibig ko ay kakainin mo pa,” sabi ko sa kanya dahil lang sa narinig kong pagnguya niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon