CHAPTER 48

1.8K 38 4
                                    

Chapter 48: The broken ring

NAGPUMIGLAS ako mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin at bumalik ako sa bermuda grass para hanapin ang singsing ko. Nag-uunahan pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at hindi na ako nag-abala pa na punasan iyon. Basta mahanap ko lang ang singsing.

“N-Nasaan na, M-Miko? N-Nasaan na ang singsing ko?!” sigaw ko sa kanya.

Parang mamamatay ako sa sakit nang nararamdaman ko. Ang paninikip ng dibdib ko ay parang tinutusok ng maliliit na karayom. Mas masakit ang hindi ko mahanap ang singsing. Iningatan ko iyon dahil sa kanya.

“Tang-ina. Huwag mo akong dramahan para tanggapin ka ulit sa buhay ko!”

“N-Nasaan na iyon, Miko? N-Nasaan na ang singsing ko?! I-Ibalik mo! Ibalik mo naman sa akin!” paulit-ulit na sigaw ko at nang hawakan niya ulit ang siko ko para itayo ako ay ramdam ko ang panginginig nito.

“Umalis ka na lang at huwag ka nang babalik pa rito,” malamig na pagtataboy niya.

“M-Miko... S-Sa pangalawang pagkakataon ba ay sasaktan mo naman ako? Miko...”

“Just fvcking leave and never comeback, Jean. We don’t need you here.” Binitawan niya ako at hindi ko iyon pinaghandaan. Nawalan ako nang balanse, ngunit wala sa akin ang salitang nang pagbagsak ko.

“Miko, m-mahal kita...” nanginginig ang mga labing sambit ko.

“Kung mahal mo ako ay hindi mo ako magagawang saktan, Jean...” sambit niya na halata rin sa boses niya na umiiyak din siya.

“Miko...”

“Umalis ka na bago ko pa lamang utusan ang mga security na kaladkarin ka palabas. Don’t assume na tutulungan ka ng pamilya ko dahil wala na sila sa side mo ngayon. Huwag mo na ring hanapin pa ang kuya mo dahil bumalik na sila sa Pangasinan,” matabang na saad niya. Narinig ko ulit ang pagsara ng pinto at sa halip na sumunod ako ay muli kong hinanap ang singsing.

Kailangan kong mahanap iyon.

Base sa init ng panahon ay hapon na siya. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko sa paghahanap. Ang mga kuko ko ay napuno na rin ng lupa sa pagkalmot ko at sa paghawi ng bermuda grass.

Bumalik ang pananakit sa mga mata ko at ilang beses kong pinilig ang ulo ko. Hanggang sa may maramdaman ako na isang bagay. Mabilis kong inikot ang daliri ko at naiiyak na ngumiti ako dahil nahanap ko rin ang singsing ko. Dahan-dahan akong tumayo at nakakompas ang dalawang kamay ko para hindi ako bumangga sa ano mang bagay.

Narating ko ang main door. Bayolente ang pagtaas-baba ng aking dibdib. Kumatok ako nang sunod-sunod.

“Miko! Miko, papasukin mo ako! Miko! Miko! H-Hayaan mo akong magpaliwanag! M-Miko!” Napaluhod ako at nanghihina agad ang katawan ko. But the feelings is so familiar. Mawawalan na naman ako nang malay... Oh, God... Huwag ngayon, please... Huwag ngayon... “M-Miko...”

NAALIMPUNGATAN ako sa malambot na bagay na humahaplos sa pisngi ko. Agad akong napadilat. May isang tao ang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

“G-Grandma?” tawag ko sa kanya.

“Hija... Mabuti na lamang ay nagising ka. Dalawang araw ka nang hindi pa nagkakamalay. Ayos ka lamang ba?” tanong niya sa marahan na boses. Nag-aalala rin siya.

Pero totoo ba na dalawang araw akong walang malay at hindi agad ako nagising?

Hindi ba ako hinanap ni Archimedes? Dahil kung hindi ay baka senyales na iyon na hindi na siya magtatangka pa na dudukutin ulit ako. Ayoko nang bumalik pa sa poder niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon