CHAPTER 5

1.2K 25 0
                                    

Chapter 5: Meeting Don Brill

HINDI ko man gaano naintindihan pero kahit kaunti ay naliwanagan naman ako kaya nagawa ko na ang ngumiti sa kanya ng matamis.

“Salamat, Lucca. Makahulugan ang lahat ng iyong sinabi,” nakangiting saad ko.

“Mamaya, kapag uuwi kayo, Ate. Kapag may humingi po nang tulong sa inyo ay huwag ka pong magdalawang isip na tumulong. Ang nangangailangan po ay binabasbasan ng langit at ganoon din po ang mga taong bukal sa loob nila ang tumulong sa kapwa.” May pahabol pa talaga siya na weird na kasabihan.

“Tatandaan ko iyan, Lucca,” pagsang-ayon ko na lang.

“Siya nga pala, Ate.”

“Ano iyon?”

“Traffic po mamaya sa dadaanan ninyo. Dahil may aksidente pong mangyayari. Kaya mag-shortcut po kayo,” aniya. Nagbalik ang kilabot sa aking katawan. Pero may pagdududa rin naman ako. Totoo kaya ang mga sinabi niya? Kasi paniniwalaan ko siya nang walang pag-aalinlangan sa puso ko kapag may napatunayan siya. “May pagdududa ka ba sa akin, Ate?” tanong niya na mabilis kong inilingan.

“Wala. Naniniwala ako sa ’yo kahit na naguguluhan pa rin ako,” sabi ko.

“Hindi ba’t Ate ay marunong kang nagpatugtog ng plauta?”

“P-Paano mo nalaman?” gulat kong tanong. Wala ni isa ang nakaaalam iyon. Kundi ang kuya ko lang.

“Dala-dala mo iyan kahit saan ka magpunta, Ate Donna. Mamaya po ay may darating na isang mahalagang tao. Handugan mo siya ng isang awitin na magpapaalala sa kanya sa pinakamamahal niya, Ate. Sige po, Ate. Magpapahinga na po ako,” paalam niya at hinalikan pa niya ako sa pisngi. Bumuntong-hininga ako.

Ilang minutong nakaupo lang ako sa puwesto ko at pilit ko namang inaalala ang mga sinabi niya kanina. Lahat iyon ay may kahulugan talaga. Pinagapang ko ang kamay ko sa bulsa ng suot kong pantalon.

Tama ang batang babaeng iyon. Dala-dala ko palagi ang plauta na nagmula pa ito sa Mama namin ni Kuya Hart. Ibinigay niya ito sa akin dahil sa kagustuhan ko rin na matutuhan ang tumugtog nito. Hindi naman ako nabigo dahil marunong na akong magpatugtog.

Pinagalaw ko ang daliri ko at hinahanap nito ang maliit na bituin na nakaukit dito. ’Sakto lang ang haba nito na kayang ibulsa lang.

Inaamin ko naman na minsan ay nawawalan din talaga ako ng pag-asang makakita ulit. Dahil kahit ginagawa na ni Kuya Hart ang lahat ay wala pa ring nangyayari. Hindi problema sa amin ang perang pagpapaopera dahil may namana kami na isang negosyo mula pa kina Papa at Mama.

Iyon nga lang ay eyes-transplant. Iyon ang problema namin ni kuya dahil kahit marami nga ang nasa waiting list. Ayaw ko rin naman kung sa States kami pupunta dahil may maiiwan na negosyo si kuya. Mas gusto ko pa rin ang makakita at gagaling dito.

Dinala ko sa labi ko ang plauta. Humugot muna ako nang malalim na hininga saka ako nagsimulang nagpatugtog. Napangiti ako nang makaramdam ako nang kaginhawaan sa dibdib. Isa ito sa nagbibigay sa akin nang kapayapaan sa puso ko. Nagbibigay rin sa akin ng peace of mind.

Siguro naiisip ko lang ang mga bagay na iyon na tila wala na nga akong pag-asa pa dahil stress lang ako. Hindi naman natin maiwasan ang bagay na iyon.

Masyado akong nadadala sa musikang lumalabas mula sa aking plauta na nagagawa kong ipikit ang mga mata ko at tila nakalimutan ko na rin ang realidad hanggang sa natapos ko ang pagpapatugtog ko. May ngiti pa sa labi ko pero naglaho iyon nang makarinig ako nang palakpak.

Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa naramdaman kong presensiya ng isang tao. Sobrang bigat nga pero wala naman akong nararamdaman na kahit na ano. Na parang mabuting tao naman siya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon